IN GOD WE TRUST
PACQUIAO NAGPAPAUTO SA MGA BLOGGER NA TUNGAW?
MAY dumaang post sa korner na ito na eksenang sinusulsulan si boxing icon Manny Pacquiao para magalit sa taong kinaiinggitan, kinaiinisan at kinakalaban pero pinagkakakitaan nilang si Francis Leo Marcos sa social media.
OPINION
Danny Simon
3/1/20262 min read


MAY dumaang post sa korner na ito na eksenang sinusulsulan si boxing icon Manny Pacquiao para magalit sa taong kinaiinggitan, kinaiinisan at kinakalaban pero pinagkakakitaan nilang si Francis Leo Marcos sa social media.
Kahit ano kasi ay gagawin ng mga makaungas na bloggers upang siraan at kenkoyin ang pagkatao ni FLM na para sa kanila ay '2 birds in 1 stone'.
Nakapanira na ng tao, nagtanim ng inggit pero umani pa ng views na kanilang kabuhayan o survival sa maruming mundong kanilang ginagalawan.
Kahit di dapat na patulan ay di naman hahayaan ni Francis Leo na papalagpasin ang mga masamang palaso nang nakatayo lang.Dapat din silang resbakan.
Lakas ng loob ng mga ogags na ipain sa pamamagitan ng fake account na Manny Pacquiao na kung anu-anong mga pintas sa pagkatao ng pandemic hero gamit ang name ng ating boxing hero.Natural na tumbasan ni FLM ang mga panlalait na iyon ng lait din.
Hangos ang mga ungas upang iparating kay 8- division world champion Pacman ang buwelta ni humanitarian champion Francis Leo Marcos na ikinausok ng ilong ng ating Pambansang Kamao.
Sa dispalinghadong content na iyon makikitang nakangisi at lisik-matang sinusulsulan si Pacman upang magalit at kasuhan ang kanilang kalaban sa socmed.
Mukhang nauuto nga nila ang pride ng GenSan dahil clenched fist na ito habang nagrereact sa panguuto ng mga ogags na nakalapit lang kay ring magazine awardee sa pamamagitan ng konek.
Si Pacquiao ay isang propesyunal na fighter pero naging amateur sa sulsol ng mga alagad ng kagaguhan sa social media.
Iyong content na iyon ay patunay na nagamit ang dalawang tanyag na tao in their own rights habang nagkakamal ng views ang mga animal.
Ang dapat na propesyunal na hakbang ni Pacman ay tinawagan niya si FLM dahil tunay naman magkakilala sila para linawin ang isyu at marinig niya ang panig ni FLM.
Ngayon pinagpipiyestahan na naman ng mga kumag ang bantang pagdemanda ng sikat na boxer sa tanyag na media influencer kaya abot- impiyerno ang tuwa ng mga ogags na anak ng tokwa.
Pero sandali lang ang saya ng mga iyan dahil pag natauhan si Pacman na siya ay inuuto lang at sinusulsulan, sa kanilang mga gagong hayop sa damo muna niya gagamitin ang mga suntok pampatulog laan sana sa makakalabang egoy na si weder-weder.
Isang bigwas lang ni Pambansang Kamao ay tulog ang mga gago habang kay FLM naman ang huling halakhak.
Perwisyo din sa bayan ang ginagawa ng mga balasubash dahil sa halip na pokus si Pacquiao sa kanyang training vs Floyd ay nade-distract pa ito sa kasagsagan ng ensayo at manalo para sa karangalan ng bansa.
Daanin niyo na lang sa bunong -braso then kamayan bilang proud gentlemen ng bayan G. Pacquiao at G.FLM..
ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
