IN GOD WE TRUST
PADELMANIA SA MANILA 2026
NARITO na ang buong puersa ng mga bansang kalahok sa pag-hataw ngayon ng 3rd Asia Pacific Padel Cup Manila ‘26 sa Play Padel McKinley , West Park , Chateau Road , Taguig City.
SPORTS
DANNY SIMON
6/25/20261 min read


NARITO na ang buong puersa ng mga bansang kalahok sa pag-hataw ngayon ng 3rd Asia Pacific Padel Cup Manila ‘26 sa Play Padel McKinley , West Park , Chateau Road , Taguig City.
Hahamunin ng mga pambatong padelista mula South Korea, Thailand, Pakistan, India, Taiwan at at Brunei Darrusalam ang defending champion Pilipinas sa tatlong araw ng torneong inorganisa ng Padel Pilipinas at pet project ni Senator Pia Cayetano.
Ang paligsahang may basbas ng Asia Pacific Federation ay nasa ikatlo nang edisyon kung saan ang buwenamano ay ginanap sa Bali, Indonesia 2024 na sinundan ng 2nd edition noong nakaraang 2025 sa Selangor,Malaysia kung saan ay nagkampeon ang Philippine paddle team.
Sa press conference kahapon na ginanap sa Play Padel Mc Kinley sa pangunguna ni Padel Pilipinas president Jeff Cheng, Srecretary General Atty Duane Alexander Santos, Executive Director Jackie Gan -Cristobal, head coaches( pro) Bryan Casao , ( amsteur),Eric Marquez at team captain LA Canizares, tiniyak ng naturang mga opisyal ang tagumpay ng torneo sa aspeto ng kumpetisyon at sports tourism.
Dahil ang torneo ay sa Pilipinas gagawin, asahan ang mataas na antas ng laro ng ating pambatong padelista upang ma-retain ang kampeonato na barometro ng lakas ng Pilipinas para sa Asian Games 2026 sa Japan.
Go for gold Padel Pilipinas..Pia..Pia Cayetano yes yeoh!
LOWCUT- Shoutout sa ting kaisport na sina Mae Casabar, Lito Espiritu at walang kapares na Arman Perez..Oldabest!


HATAW na Padelmania amanila 2026. (Kuha ni Abby Pamplona)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
