PAETE, LAGUNA SPORTS ACADEMY, ITATATAG NI COACH TAM
BILANG isang taal na public servant/sportsman, isa sa marubdob na pangarap ng Coach Johny Tam ang magkaroon ng sports hub para sa kabataang atleta sa kanyang balwarte sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna.
SPORTS
Danny Simon
8/26/20242 min read


BILANG isang taal na public servant/sportsman, isa sa marubdob na pangarap ng Coach Johny Tam ang magkaroon ng sports hub para sa kabataang atleta sa kanyang balwarte sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna.
Si Coach Tam na halos buong buhay niya ay natuon sa sports na nagsimula ng paglalaro ng basketball noong kanyang elementary days hanggang sekundarya at kolehiyo, tampok ang pagiging national coach kung saan siya lalong nakilala sa sports community.
Tampok sa kanyang pagiging coach ng Laguna Lakers sa MBA, Air21 sa PBA at national coach ng Philippines na sumabak sa Jones Cup sa Taipeh at China League noong millennium year.
Dito sa mahalinang higland farm sa barangay 5 ay nakaplanong itatag ang isang Sports Academy sa timon ni Coach Johny Tam sa balwarte niyang Paete sa malaong hinaharap.




3x3 basketball awards ceremony
Women, volleyball awardees
Noong panahon ng pandemya, sa halip na matengga ay naging aktibo pa siya sa pag- develop sa kanilang farm highland sa Sitio Alutay Barangay 5 sa Paete.
"Sa panahong iyon ay nabuo ang pangarap ko na itatag ang Sports Academy sa aking bayan para sa mahal kong kabataang atleta ng huhubog ng kanilang talento sa basketball, volleyball, baseball, chess at iba pa but all-in-one at pwede pang magdaos ng akademyang pang -palakasan at sports clinic na ituturo ng mga ekspertong trainers at academician.That dream will soon become a reality nasa poder man tayo o sa pribadong kapasidad",wika ni Tam sa panayam sa ginanap na awarding ceremony sa matagumpay na pagdaraos basketball 3x3 at volleyball sa naturang bayang tanyag bilang 'carving capital' ng Plipinas.
Espesyal na panauhin si dating alkalde ng Sta. Maria (Cong.) Atty.Tony Carolino, Vice Kenneth Ragaza( Bokal), Tam's team Kap. Peping Capco, MJ Cadayona, Elvira Guivercan, Jessie delos Santos, Joko Santiago at Robert Agbay.
Ang kaganapan para kabataang Paetenians ay suportado ni David Ong ng Philippine Airlines.


Espesyal na panauhin sa idinaos na Coach Johny Tam 3×3 Basketball Championship at Women's volleyball league Awards Night si Atty.(Cong.) Tony Carolino, (Bokal) ,Kenneth Ragasa), Kap Peping Capco atbp na ginanap sa Tam's Place, Paete kamakalawa.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato