IN GOD WE TRUST
PAG ALIS NG CAP SA MOTORCYCLE TAXIS DELIKADO?
Matapos ma multahan ng LTFRB ng higit sa kalahating milyong piso ang MOVE IT dahil sa violation na OVER THE CAP ay nagsampa kaagad ito ng MOTION FOR RECONSIDERATION. Kaya HINDI PA FINAL ANG MULTA.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
11/6/20261 min read


Matapos ma multahan ng LTFRB ng higit sa kalahating milyong piso ang MOVE IT dahil sa violation na OVER THE CAP ay nagsampa kaagad ito ng MOTION FOR RECONSIDERATION. Kaya HINDI PA FINAL ANG MULTA.
Pero kaagad din nagbigay ng pahayag si Dotr Sec. Vince Dizon na mas mainam tanggalin na ang CAP para ma suplayan ng tama ang demand ng mga pasahero ng MC TAXI.
Ganoon din ang panukala ng ilang mambabatas.
Pero hanggat walang DEPARTMENT ORDER na inilalabas ang DOTR at MEMORANDUM CIRCULAR ang LTFRB o kaya ang panukala ng mga mambabatas ay naging ganap na batas ay mananatiling may CAP NA DAPAT SUNDIN NG MGA ACCREDITED MOTORCYCLE TAXI COMPANIES.
Tama ba alisin ang CAP sa MC TAXIS? Kahit MOVE IT ay hindi ganito ang posisyon.
Ang sabi ng MOVE IT ay sumusunod sila sa CAP dahil hindi naman sila humihigit sa CAP AT A GIVEN DAY alinsunod sa patakaran. Ibig sabihin ay para sa MOVE IT ang CAP ay CAP NG ACTUAL NA BILANG NG PUMAPASADA at a given time at hindi yun bilang ng riders na naka onboard sa kanila dahil maraming riders ay partimers lang at ang iba ay multi homing o ibig sabihin ay on board din sa ibang kumpanya.
Sa tingin ng LCSP ay DAPAT INDUSTRY CAP at HINDI INDIVIDUAL ALLOCATION ANG CAP para hindi mawalan ng hanapbuhay ang higit na 50,000 over the cap riders.
Dapat din may INDUSTRY CAP para hindi maglabolabo at maglabanlaban ang mga riders ng pasahero pag sumobra dami nila AT MAGING KALABAN DIN SA PASAHERO ng tricycles, jeep, taxi , tnvs at iba pa.
So hanggat wala pang DEPARTMENT ORDER ang DOTR ay nananatiling panukala pa lang ang sinabi ni Sec. Dizon. Pero tama na balikan at i review na ang mga patakaran ng MC TAXI para maging maayos ito, dahil ang matagal ng pangako na batas ng Kongreso ay napako na habang lumalaki na ang industriya ng MC TAXIS.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
