IN GOD WE TRUST
Pag nagpakasal ba ang babae AUTOMATIC ba na dapat gamitin niya ang family name ni husband?
HINDI PO. May choice si misis kung anong pangalan at family name ang gagamitin niya.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
11/4/20261 min read


HINDI PO. May choice si misis kung anong pangalan at family name ang gagamitin niya.
Halimbawa ang pangalan niya ay JUANA (first name) MAGANDA (family name sa pagkadalaga).
Kinasal siya kay JUAN MALAKAS.
Article 370 ng Civil Code
A married woman MAY USE
1. Her MAIDEN FIRST NAME and SURNAME and add her husband SURNAME
JUANA MAGANDA MALAKAS
2. Her MAIDEN FIRST NAME and HER HUSBAND 'S SURNAME
JUANA MALAKAS
3. Her HUSBAND'S FULL NAME but PREFEXING A WORD indicating that she is his wife such as MRS.
MRS. JUAN MALAKAS
Kadalasan ay ang pagamit ni misis ay yun MAIDEN name niya at family name ni husband AT NAGLALAGAY pa ng MRS. sa unahan.
MRS.JUANA MALAKAS.
Pero sa batas hindi na kailangan yun prefix na MRS.
Puede ba na gamitin ni misis ang MAIDEN name at family name niya sa pgkadalaga?
JUANA MAGANDA.
OPO. Dahil sabi sa batas MAY USE sa article 370.
Pero bihira sa may asawang babae ay pangalan niya sa pagkadalaga ang ginagamit niya.
Sa HB 1548 na inihain ni Cong. Bel Zamora ay ito ang nais linawin- grant married women complete legal autonomy by giving them the CLEAR OPTION to continue using their MAIDEN name and SURNAME in all official records and legal documents after marriage.
Pero kailangan pa ba yan panukalang yan kung malinaw na sa CIVIL CODE ARTICLE 370 na a married woman MAY USE ang nakalagay?
Sabi ng ilang law experts SAYANG LANG dahil MAY BATAS NA.
Pero pag sinuri natin ang ARTICLE 370 walang nakalagay sa option na
Her MAIDEN name and surname.
O ibig sabihin kung ano gamit niya sa pagkadalaga ay yun pa rin ang gamit niya kahit kasal na.
Ito marahil ang intensyon ng panukala ni Cong. Zamora.
Maisabatas na puede pa rin gamitin ang MAIDEN name at SURNAME ng babaeng may asawa.
Payag ba si mister nyan? Na parang dalaga pa rin misis niya? Well hindi naman choice ni mister yan kung hindi choice ni misis.
Hindi masamang linawin ang karapatang ito ni misis.
Suportado natin ang panukalang ito ni Cong. Bel Zamora.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
