Paglalaro ng mga naturalized players dati pang ginawa sa Philippine basketball
Natatandaan ba nyo sina Jeff Moore, Dennis Stills at Chip Engelland? Sila ang mga naturalized players na nagdala ng bandera ng Pilipinas sa mga international competitions noong dekada '80.
SPORTS
Atty. Ariel Inton
9/7/20242 min read


Natatandaan ba nyo sina Jeff Moore, Dennis Stills at Chip Engelland? Sila ang mga naturalized players na nagdala ng bandera ng Pilipinas sa mga international competitions noong dekada '80. Sila rin ang mainstays ng Northern Cement Corporation (NCC) guest team sa PBA.
Bago pa si Brownlee at iba pang naturalized players ay ito na ang formula upang lumakas ulit ang Pilipinas sa Asian basketball.
Ano ba nangyari? Dahil sa naging mga professional players ang mga pinakamagagaling natin basketbolista noon tulad nila Robert Jaworski, Atoy Co, William Adornado, Philip Cesar, Mon Fernandez at iba pa nang itatag ang PBA. ay humina ang Philippine team sa international competitions. Dahil ang ruling ng FIBA noon ay amateur players lang ang puwedeng maglaro sa mga international competitions. Hindi tulad ngayon na kahit mga NBA players ay pinapayagan na.
Noong 1980, Inatasan ni dating President Ferdinand Marcos si business tycoon Danding Cojuangco na maging project director ng Philippine Basketball. Kumuha nga sila ng mga naturalized players tulad nila Moore, Still, Engelland, Ricardo Brown at iba pa.
Ang kinuhang coaches ay sina Ron Jacobs at Ben Lindsey. Hinaluan ito ng ilang home grown talents tulad nila Frankie Lim at JB Yango. Ngunit kahit dominated ng RP training team ang mga sinalihang competitions ay malamig ang Filipino fans sa team dahil turing nila mga foreign players ang mga ito at hindi mga Pilipino.
1983 ay bumuo ng malakas na RP Team si Boss Danding para mabawi ang korona ng ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION. Ang team ay binubuo nila Hector Calma, Jun Tan,Joseph Uichico at iba pang college standouts at limang naturalized players kasama sila Johnny Nash at John Hegwood.
Na sweep ng team na ito ang lahat ng laban pero bago mag championship kontra China ay naglabas ang ABC ng decision na disallowed ang mga naturalized players kayat forfeited ang lahat ng panalo ng RP TEAM.
Pero ngayon sa buong mundo ay tanggap na ang paglalaro ng mga naturalized players. Kahit nga ang Team USA na sobrang lakas at numero uno ay may naturalized player sa line up nila.
Looking back more than 40 years ago masasabing ahead of his time ang formula ni boss Danding. Sayang nga at hindi pa ganoong tanggap ng lahat ang paglalaro ng mga naturalized players sa bandera ng kanilang country by choice.
Sabi nga nila hindi sa kutis o anyo lang ang pagiging Pilipino kung hindi sa puso at diwa at pagmamahal sa bayan. Iba man ang lahi ay maituturing na NATURAL na Pinoy sila.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato