IN GOD WE TRUST
PANAWAGAN NG ISANG OFW SA SAUDI NA GUSTO NANG UMUWI SA ‘PINAS
MAY pinadalang kalatas sa korner na ito thru socmed ang isang OF W sa Riyadh , Saudi Arabia na suki ng ating pitak for a cause.
OPINION
ni DANNY SIMON
3/17/20262 min read


MAY pinadalang kalatas sa korner na ito thru socmed ang isang OF W sa Riyadh, Saudi Arabia na suki ng ating pitak for a cause.
Dati na siyang nag-Saudi na natapos ang kontrata kahit bangungot ang karanasan niya doon.
Dahil walang trabaho dito sa Pinas at bigo din sa munting hanapbuhay ay napilitan siyang balik-Saudi pero di pa rin siya naging masuwerte sa kanyang kapalaran dahil sa natagpuan niyang malupit at di makataong amo. Ang halos 4 na buwan niyang kalbaryo ay di na niya matiis na pinasidhi pa ng takot sa napipintong eskalasyon ng giyera sa Middle East.
Lakas loob na siyang nagpaalam sa kanyang employer na napilitan nang umayon kahit galit dahil sa valid reason pero sa kanya na pinasasagot ang tiket pauwi.
Problema niya ay kulang ang kanyang pambili ng tiket pauwi pero kelangan na niyang makaalis sa tinuring niyang impyernong napasukan niya.
Nagtuloy na lang muna siya sa kanyang egency na Alsuneed sa Riyadh for accomodations lang.
Si Janet Tumanos Bacani ay nananawagan sa kinauukulan dito sa atin na tulungan siyang makauwi ng bansa sa lalong madaling panahon..Attention Department of Migrant Workers at OWWA…tulungan ang kababayang sobrang nakaka-awa…ABANGAN!
Narito ang kalatas ng pobreng OFW na humuhingi ng tulong para makauwi na ng Pilipinas..."Magandang araw po. Ako si Janet Tumanos Bacani, ako ay narito po ngayon sa Saudi Riyadh at ako ay humihihinge po ng tulong para po makauwe na diyan sa Pilipinas
Kasi di po maganda Ang trato ng amo ko sa akin.
Deto ay mag- apat na buwan palang ako sa employer ko sa darating na April 2 at gusto ko pong umuwe kase di ko po kaya ang trato niya sa akin at overtime po ako dito sa trabaho lalo po ngayong Ramadan. Walang kahit konting rest straight po ang trabaho dito mula 11 ng umaga hanggang 4:am madaling araw kaya de ko na po kaya at sana matulungan ninyo ako kase sabi ng amo ko uuwe ako pero ako ang bahala sa ticket ko pauwe diyan at ako ang mag -book sa online ticket booking na di ko po magagawa dahil di sapat ang pambayad ko.Tulong po!" sumamo sa kinauukulan ng ating kababayan na nais iwanan ang kalbaryo niya sa Gitnang Silangan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
