PARAÑAQUE DIST. 2 COUN. APIONG DELA PEÑA TULOY ANG SERBISYO KAHIT ARAW NG LINGGO!

MAS marubdob na pagseserbisyo ang handog ni Parañaque District 2 Councilor Raffy 'Apiong' De la Peña nitong nakaraang weekend partikular kamakalawang araw ng Linggo sa Fourth State ng Bgy BF ng naturang lungsod.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

4/9/20242 min read

MAS marubdob na pagseserbisyo ang handog ni Parañaque District 2 Councilor Raffy 'Apiong' De la Peña nitong nakaraang weekend partikular kamakalawang araw ng Linggo sa Fourth State ng Bgy BF ng naturang lungsod.

Daan-daan ang nahatiran ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼 𝗻𝗶 𝗔𝗽𝗶𝗼𝗻𝗴 - 𝗗𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 (Libreng 𝗕𝘂𝗻𝗼𝘁 ng Ngipin) sa naturang lugar ng Distrito Dos.

"Kaagapay natin sa ating mga proyekto ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. ", wika ni Konsi Apiong,ang tanyag na public servant 24/7.

"Patuloy ang ating pasasalamat sa ating Mayor Eric L. Olivarez, sa ating Vice Mayor Joan Villafuerte , sa mga kapwa ko Konsehal sa kanilang suporta sa ating mga humanitarian missions."

Ang team Apiong ay may palagiang complete package na handog tulad ng mainit at masarap na sopas, ice cream at mga libreng gamot para sa mga pasyenteng konstituwente.

Lubos din ang pasasalamat ni Konsi Apiong sa pamunuan ng eskwelahan na si Sir Principal 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗻 𝗗𝘂𝗰𝘁𝗮 sa muling pagpapaunlak na magamit ang pasilidad para sa misyon.

Gayundin sa 𝗧𝗮𝗿𝗴𝗲𝘁 𝗥𝗮𝗻𝗴𝗲 𝟮 𝗡𝗲𝗶𝗴𝗵𝗯𝗼𝗿𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰iation sa pamumuno ni 𝗣𝗿𝗲𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗔𝗻𝗻 𝗚𝗮𝗹𝗹𝗲𝗴𝗼 𝗮t kanyang 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀, sa 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿𝘃𝗶𝗹𝗹𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗢𝗿𝗴anization sa liderato ni 𝗣𝗿𝗲𝘀. 𝗛𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗨𝘆 at 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰𝘃𝗶𝗹𝗹𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗢𝗿𝗴anization ni 𝗣𝗿𝗲𝘀. 𝗥𝗼𝗮𝗻 𝗗𝗼𝗻𝗼𝗿 na nakatuwang sa kanilang serbisyong balik sa tao.

"Muli, sa ating magigiting na mga volunteer doctors, maraming maraming salamat po!", ani pa Coun. Raffy 'Apiong' De la Peña.

#𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗮𝘁𝗮𝗼𝗻𝗶𝗔𝗽𝗶𝗼𝗻𝗴 #𝗿𝗮𝗳𝗳𝘆𝗮𝗽𝗶𝗼𝗻𝗴𝗱𝗲𝗹𝗮𝗽𝗲𝗻𝗮 #𝘁𝗲𝗮𝗺𝗮𝗽𝗶𝗼𝗻𝗴

Naunang naghatid ng serbisyo ang team Apiong noong Sabado sa Sampaloc Elementary School ng naturang barangay.