Pares na ginto sa Paris… YULO PINARANGALAN NI SENATE SPORTS HEAD SEN. BONG GO

INILATAG na ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Resolution No. 1100 bilang pagbati at pagpaparangal kay bayaning Pinoy gymnast Carlos Yulo para sa kanyang natatanging tagumpay sa 2024 Paris Olympics sa France.

SPORTS

Danny Simon

8/8/20241 min read

INILATAG na ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Resolution No. 1100 bilang pagbati at pagpaparangal kay bayaning Pinoy gymnast Carlos Yulo para sa kanyang natatanging tagumpay sa 2024 Paris Olympics sa France.

Ang makasaysayang tagumpay ni Yulo ay nag-establisa sa kanya bilang “trailblazer” sa mundo ng sports.

Hindi lamang siya ang unang Pilipinong nakakuha ng double gold medal sa single Olympics kundi nakuha rin niya ang inaugural Olympic gold ng Pilipinas sa artistic gymnastics sa men’s floor exercise.

Kasunod ng markadong na ito, ipinagpatuloy ni Yulo ang pambihirang performance sa pagsungkit sa ikalawang gintong medalya sa men’s vault event.

Binigyang-diin ni Go sa kanyang resolusyon ang kahalagahan ng sports sa pagpapaunlad ng self-discipline, teamwork, at excellence na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas.

“It is with immense pride that we recognize Carlos Yulo’s remarkable achievements. His dedication and hard work have brought honor to our country and inspired millions,” isinaad ni Go.

Dagdag pa niya na ang mga nasabing tagumpay ni Yulo ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na isulong ang kadakilaan sa iba’t ibang larangan.

Si Yulo, 24, ay nalagay ngayon bilang isang pandaigdigang icon sa gymnastics.

“This historic victory not only brings pride and joy to our nation but also serves as a beacon of hope and a testament to what the Filipino spirit can achieve on the world stage,” sambit pa ng senador.

“Finally, history po. Dalawang gold sa isang Olympics. So history na po ‘yan sa first ever, sa ating Olympian, kauna-unahan sa same Olympics. At alam n’yo ang sarap ng pakiramdam, ang sarap po maging Pilipino.”

Bukod sa pagpuri kay Yulo, nagpahayag si Go ng optimismo sa iba pang prospect na Filipino athletes na sasabak pa rin sa Olympics." GO for GOLD pa rin!"