PARKING PROBLEMS

HINDI lang "standing to reserve parking "ang kailangan tingnan.

OPINION

Atty. Ariel Inton

11/17/20242 min read

HINDI lang "standing to reserve parking "ang kailangan tingnan.

Dahilan sa nag-viral na " no standíng to reserve parking "ng ilang netizens ay may ipinanukala sa Kongreso na HB 11076 " to prohibit a person from physically occupying a public parking space to obstruct a vehicle from parking on the same space for parking by another vehicle". May kaukulang multa sa mga violators. Pero kailangan pa ba ng national law para jan? Kailan maipapasa yan? Ano mga exemptions? Hindi ba kaya ng mga parking attendants suwayin na lang ang mga ganyan at kailangan pang bumalangkas ng batas? At bakit public parking lang? Paano sa mga parking ng malls, at iba pang privately owned parking?

Ang problema sa parking ay hindi lang yan standing to reserve. Mas marami pang iba na dapat bigyan ng pansin. Halimbawa:

1.Mga public parking spaces na ginagawa na " exclusive garage" ng ilan motorista. Ang parking space ay hindi garahe. Pero maraming halimbawa sa Timog at Morato streets sa Quezon City ay ginagawang garahe ito ng ilang condo unit residents sa area. Tuloy ang mga customers ng mga establishnents ay nawawalan ng parking at sa kalsada na magpa'park. Ang iba sa loob ng ilang scout area streets na ikinagagalit ng mga residente doon dahil sa mga harap ng bahay nila naka park.

2. May ilang establishments din na ginagawang permanenteng garahe nila ang mga public parking area. Halimbawa na lang isang security agency na inakupa na ang ilang slots para doon iparada ang kanilang armoured vehicles.

3. One side parking sa barangay. Maraming nagpapatupad ng one side parking pero nagkakagalit ang mga residente dahil sa hindi sapat ang one side para sa kanilang mga sasakyan . At kahit hindi residente ay nagpapark doon.

4. Exemptions sa Building code sa required parking slots ng mga condominium.

5. Mga government offices na walang sapat na parking spaces.

Dahil sa dami ng sasakyan ay talagang mahirap ang parking spaces. Kulang ang mga public parking at maraming may sasakyan na walang sariling garahe.

Aminado tayo na hindi madali na ma solusyunan ang parking problem sa Metro Manila dahil sa dami ng sasakyan. Tuloy nakakaisip ang ilan na umistambay sa parking slots na lang.