IN GOD WE TRUST

PATO SA BUHAIN

chairman at dating pinuno ng Philippine Sports Commission para tiyaking matagumpay na mairaos ang dambuhalang hosting ng 4th Southeast Asian Open Water Championship sa Isla ng Boracay.

SPORTS

DANNY SIMON

7/15/20261 min read

NAGSANIB-puwersa ang kasalukuyang chairman at dating pinuno ng Philippine Sports Commission para tiyaking matagumpay na mairaos ang dambuhalang hosting ng 4th Southeast Asian Open Water Championship sa Isla ng Boracay.

Inihahandog ng PSC sa kooperasyon ng Southeast Asia Aquatics federation katuwang ang Lalawigan ng Aklan at hosted ng Philippine Aquatics , Inc.,ang naturang paligsahan na kakampay sa Boracay Newcoast sa Agosto 21 hanggang 23 ay lalahukan ng aabot sa 120 open water tankers mula sa mga karatig- bansa sa Timog Silangang Asya kabilang na ang 35 na pambatong Pinoy open water swimmers.

“We are proud to host the event because Open Water Swimming is an Olympic event”, wika ni PAI secretary general Eric Buhain na dati ring PSC head.

Binigyang diin naman ng kasalukuyang chairman ng PSC na si Patrick ‘Pato Gregorio na ang ganansiya sa naturang hosting ay exposure para sa ating lokal bets at pagsulong pa ng Sports Tourism sa bansa.

Isang matatag na moog ang solidong puwersa nina PATO at BUHAIN kaya kung ang tambalang PSC at PAI ay tiyak na HAYAHAY sa BORACAY kasingningning ng mga BATO sa BUHANGIN ng baybay..MABUHAY!!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...