IN GOD WE TRUST

Patrick Rivera, hari ng P100k Pacman's Cue Club 10-Ball Manalo Cup

UNANG sargo ng Batang Shaw ngayong " Year of the Horse'.

SPORTS

ni Danny Simon

2/16/20261 min read

UNANG sargo ng Batang Shaw ngayong " Year of the Horse'.

Nasungkit ni Patrick Rivera ang titulo sa Lunar Horse Battle Royal 10-Ball Manalo Cup matapos talunin si Arjay De Jesus, 9-6, sa isang epikong laban sa Finals. Ginanap ang paligsahan sa Pacman's Cue Club na matatagpuan sa Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City nitong weekend.

Dahil sa pagkapanalo, nakuha ni Rivera ang P100,000 sa event na ito na inorganisa ng International Billiards and Snooker Champion na si Marlon Manalo.

"Lubos po akong nagagalak sa pagkapanalo sa tournament na ito at nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta sa akin sa pinansyal at emosyonal na paraan," pahayag ni Rivera.

Samantala, naiuwi ni De Jesus ang premyong P20,000 bilang runner-up.

Mas maaga, tinalo ni Rivera si Eduardo "Tisoy" Saracho, 9-3, sa quarterfinals bago niya pinataob si Henrick Daguilles, 9-5, sa semifinals upang makaharap si De Jesus sa titular showdown.

Sa kabilang banda, dinaig ni De Jesus sina Paul Kenneth Arpilleda, 9-4, at Arsenio Cenina, 9-7, ayon sa pagkakasunod.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...