PBA 49 BEST OF SEVEN FINALS: GINEBRA O TNT?

Parehong nagpahayag ng kahandaan ang magkaribal na coach na sina Chot Reyes ng defending champion Talk ‘N Text at Tim Cone ng challenger Barangay Ginebra sa kanilang date with history best-of-seven title showdown sa Governor’s Cup simula sa October 27 sa Ynares Center sa Antipolo City.

SPORTS

Clyde Mariano

10/24/20242 min read

KAPWA nagpahayag ng kahandaan ang magkaribal na coach na sina Chot Reyes ng defending champion Talk ‘N Text at Tim Cone ng challenger Barangay Ginebra sa kanilang date with history best-of-seven title showdown sa Governor’s Cup simula sa October 27 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa idinaos na faceoff katabi ang ang specially-designed handcrafted golden trophy na mapupunta sa champion .Isinagawa ito sa sa Endurun College, kapwa kumpiyansa at bakas sa mukha nina Reyes at Cone ang pagasa at determination na manalo at pasayahin ang kanilang pasko sa taong ito.

Kasama ni Reyes ang kanyang prized import Rondae Hollis-Jefferson at mga locals sina Roger Pogoy, John Paul Erram, Calvin Oftana at dating Rain or Shine hotshot Rey Nambatac at TNT Governor at PBA Charman Ricky Vargas.

Inamin ni Reyes mahirap ang pagdaraanan nila dahil ang malakas ang Barangay Ginebra at mahaba ang championship at hawak nang pinakamatumpay na coach sa PBA with 25 PBA title, kasama ang dalawang grandslam 1996 at 2014 under his belt.

“Of course, our goal is to retain the crown. Nothing more, nothing less. Keeping the title is what we want. We can only achieve the goal is through hardwork and sacrifice,” sabi ni Reyes .

“We’ll play well-coordinated game, consolidate our efforts and pull our resources together for just one cause. Even ang laro,” sabi ng 60 years old TNT bench tactician na target ang pang sampung PBA title.

Tungkol sa match -up ng import, “even ang laban walang nakalalamang. Perehas magaling.”

Sa gabay ni coach Jojo Lastimosa at solidong laro ni Rondae Hollis-Jefferson, tinalo ng TNT ang Barangay Ginebra 4-2 kasama ang game-clinching Game 6 umiskor si Filipino-American pinanganak sa San Ysidro, California umiskor 38 points kasama ang siyam na triples at tinanghal MVP sa finals.

Tulad ni Reyes, determinado si Cone agawin ang korona at gantihan ang TNT at muling bumalik sa podium at kunin ang 26th PBA title.

“I watched and studied and analyzed carefully and thoroughly the semifinal games of TNT against Rain or Shine,” sabi ni Cone.

Kasama ni Cone ang kanyang mga players sina Justin Brownlee, Japetbh Aguilar, Stephen Jeffrey Holt, Rhon Jay Abarrientos, LA Tenorio at Maverick Ahanmisi kasama Barangay Ginebra team manager at Governor Al Francis Chua.

Si Cone at ang kanyang mga players. Ang red shirt ay paboritong kulay ng never-say-die Kings pinasikat ni basketball legend Robert Jaworski.

Hindi lang title confrontation ng dalawang dominant teams sa PBA, more than that, isa rin ito “battle of the mind” ng head coach at dating assistant mentor.

Si Cone ang head coach ng Alaska Aces at si Reyes nagsilbing assistance mentor sa Barangay Ginebra bago naghiwalay nang landas at naging coach sa iba’t-ibang mga koponan bago sa lumipat sa kampo ni Ramon S. Ang at Manny V. Pangilinan.

Si Ang ang mayari ng Barangay Ginebra, San Miguel Beer, at Magnolia at si Panggilinan kila sa tawag MVP, ang mayari ng TNT, Meralco at NLEX Road Warriors.

Maituturing ang title showdown nina Cone at Reyes ay “teacher and pupil affair” gaganap si Cone bilang professor at si Reyes student sa kanilang “battle of the mind” sa best-of-seven title showdown.

Sinibak ng TNT ang Rain or Shine sa kartada 4-1 at dinispatsa ng Barangay Ginebra ang sister team at mahigpit na karibal San Miguel Beer 4-2 at ikasa ang best-of-seven title confrontation.

Dahil ang import ang susi sa tagumpay, tiyak maglalaro nang husto sina Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee sa muli nilang pagharap one-on-one at malalaman sino sa kanila ang tatanghalin best import.

PBA images