PBA DI LANG PANG-BASKETBALL PANG-HUMANITARIAN PA!

SALUDO ang korner na ito sa kanilang inanunsiyong pagtulong sa ating mga kababayang sinasalanta ng delubyo ng bagyo sa maraming lugar sa buong kapuluan.

OPINION

Danny Simon

10/24/20241 min read

SALUDO ang korner na ito sa kanilang inanunsiyong pagtulong sa ating mga kababayang sinasalanta ng delubyo ng bagyo sa maraming lugar sa buong kapuluan.

Sa press conference ng PBA best-of-7 Finals sa pagitan ng Bgy. Ginebra at TNT kahapon,

ipinahayag ng pamunuan ng kauna- unahang pro- league sa Asia na kasado na ang napapanahòmg ayuda sa ating mga apektadong kababayan kung kaya ating bigyang -pugay ang PBA partikular kina Comm.Willie Marcial, G. Rickie Vargas, G.Alfrancis Chua et al sa taos pùsong malasakit na kampeon ng humanitarian para sa bayan.

Ang kaukulang tulong ay iimplementa sa pamamagitan ng ALAGANG KAPATID FOUNDATION. Hurray PBA!

Speaking of the PBA finals press conference, kahit na bumabagyo ay full - force ang tropang media , players and coaches ng protagonista at op kors ang mg bossing ng PBA.

Ang kampeonato ay paghaharap ng best teams ng PBA 49 Arena Plus conference, battle of best coaches nina Tim Cone ( Kings)at Chot Reyes (Tropang Giga) and best imports na sina Justin Browlee ng Gins at RHJ ng Tropang Giga at match na match ang Ginebra at TNT kung sa galing ng mga manlalaro ang babasehan.

Isang factor lang ang sigurado sa serye, bawat laro ay tiyak na blockbuster at filled to the rafters sa Smart Araneta at Ynares Center.

Buhay na buhay at super sigla ang ligang naging bahagi na ng bayang basketbolista.

Ang pulso sa galerya ay 4- 2 Ginebra o TnT.

Ramdam ng Uppercut magsisimula at matatapos ang classic series ng game 7. Gandang panahon man o umulan tiyak na susugod sa venues ang PBA diehard followers..TAYO NA SA ANTIPOLO ARANETA!