PBA EERE NA SA A2Z
SIMULA sa 48th Season,ang PBA ay matutunghayan na ng live sa bagong tahanan niton A2Z - isang 'dedicated free to air channel.'
SPORTS
Danny Simon
10/18/20231 min read


SIMULA sa 48th Season,ang PBA ay matutunghayan na ng live sa bagong tahanan niton A2Z - isang 'dedicated free to air channel.'
Ito ang inanunsiyo ni TV5 president Guido Zaballero sa press conference ng PBA sa Diamond Hotel.
Napagkasunduan aniya ng TV5,ZOE Broadcasting Network at ABS CBN na ieere ang PBA sa A2z na nag-ooperate sa channel 11( analog) at channel 20 ( digital).
" The primary reason is we believe the PBA needs a dedicated home," wika ni Zaballero.
Ang mga laro kada-Miyerkules at Biyernes ay live sa A2z saktong 4n.h. hanggang 8 n.g. habang ang mga wekend games Sabado at Linggo ay mapapanood ng mas maaga 3 ng hapon at 6: 15 ng gabi.
" The focus on Tv5 is entertainment and news", ani pa Zaballero.
Sasambulat ang 48th Season PBA Commissioner's Cup sa Nobyembre 5 na tatampukan ng bakbakang Magnolia kontra TnT.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato