PBBM, SONA, ATLETA, PSC ATBP
SA nakaraang tatlong taon ng mga ulat sa bayan ni Pangulong Bongbong Marcos,ang kanyang ika-apat na SONA (Statè of the Nation Address) lamang nabanggit nang komprehensibo ang larangan ng sports sa bansa.
SPORTS
ni Danny Simon
7/29/20252 min read


SA nakaraang tatlong taon ng mga ulat sa bayan ni Pangulong Bongbong Marcos,ang kanyang ika-apat na SONA (Statè of the Nation Address) lamang nabanggit nang komprehensibo ang larangan ng sports sa bansa.
Narito ang bahagi ng kanyang ulat kaugnay sa Ph sports:
"Sa kabilang banda naman, nakikita natin ang sobrang pagtaas ng timbang ng ating mga kababayang edad dalawampu at pataas. Kaya, sikapin nating maging mas aktibo ang ating pamumuhay araw-araw.
Ipalaganap natin ang pagsasagawa ng mga palaro at mga paliga, mga fun runs at fun walks, pati na mga pa-aerobics at pa-zumba.
Para sa mga LGU, buksan at gawing maaliwalas ang mga park at mga plaza, kung saan makakapag-ensayo ang ating mga mamamayan, bata man o matanda.
Magpatupad tayo ng mga "Car-Free Sundays", tulad ng ginagawa sa ilang lungsod dito sa Metro Manila, sa Baguio, Cebu, Iloilo, at Davao.
Bilang pagsuporta dito, simula ngayon, bubuksan ng Philippine Sports Commission sa publiko ang kanilang mga track and field oval sa Pasig, Maynila, at Baguio, upang makapag-jogging na kayo nang libre.
Magbubuhos tayo ng todo-suporta sa mga palaro at mga atleta sa buong bansa.
Halimbawa, ang Palarong Pambansa, at ang Batang Pinoy Games na gaganapin sa General Santos City ngayong Oktubre.
Bubuo tayo ng bagong pambansang programa sa sports development. Uumpisahan natin ito sa paaralan pa lamang. Ibabalik natin ang mga sports clubs at magsasagawa tayo ng mga palaro at intrams sa lahat ng mga pampublikong paaralan....
Naririyan ang ating PhilSports Commission at PAGCOR upang tiyakin ang patuloy na pagtaguyod at pagsuporta sa ating mga programang pampalakasan at mga atleta sa buong bansa.
Dahil sa mga ito, ang ating kabataan ay maagang namumulat sa isports, humuhusay, at tumataas ang kumpiyansa. Sumusunod sila sa yapak ng ating mga kampeon at world-class na mga atleta: tulad nina Senator Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, Caloy Yulo, Aira Villegas, Nesthy Petecio, EJ Obiena, at Alex Eala; ang paralympians natin na sina Jerrold Mangliwan, Cendy Asusano, Angel Mae Otom, at Ernie Gawilan.
At siyempre, pati pa ang ating unang kampeon sa Asian Winter Games-ang Philippine Men's Curling Team!
Akalain mo nga naman: kahit walang winter sa Pilipinas, napatunayan pa rin natin na kaya nating maging kampeon sa Winter Games!
Kilalanin natin ang mga atleta na umani ng karangalan para sa Pilipinas:
Hindi lamang sila nakapaghatid ng kasiyahan sa buong sambayanan. Pinalakas pa nila ang ating pagmamahal sa bayan, at lalo pang pinatingkad ang dangal ng bawat Pilipino.
PSC CHAIR PATO GREGORIO'S OFFICIAL STATEMENT
Malugod namang sinang-ayunan ni PSC Chairman Patrick ' Pato Gregorio ang maganda at inspirational na mensahe ng Chief Executive at narito ang kanyang opisyal na pahayag:
“The President’s focus on sports in the SONA is a testament to the growing strength of our sports development program and its relevance to national development.
We in the PSC recognize this responsibility and are wholly committed to strengthening sports from the grassroots—to build up our athletes and nurture a proud and healthy citizenry.
With the President’s support, we are certain our athletes will go farther, climb higher, and smile wider. Makakaasa po kayong buong puso naming tatanggapin at isasakatuparan ang lahat ng direktiba ng Pangulo.”




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato