PCKD BEST BETS NI ESCOLLANTE, EXCELLENTE SA WORLD STAGE

MATAPOS ang makinang na tagumpay sa mundial na estado, Ang Philippine Dragonboat at Canoe Kayak team ay sasagwan sa tatlo pang major international competitions na magsisimula sa susunod na buwan ng Hulyo.

OPINION

DANNY SIMON

6/22/20251 min read

MATAPOS ang makinang na tagumpay sa mundial na estado, Ang Philippine Dragonboat at Canoe Kayak team ay sasagwan sa tatlo pang major international competitions na magsisimula sa susunod na buwan ng Hulyo.

Naiuwi ng national squad ang suma-total na 6 na ginto,1 silver at 1 bronze sa 2025 sa nagtapos na ICF Dragon Boat World Cup sa Chifeng, China.

Si Canoe specialist Ojay Fuentes ay nagpasiklab nang husto sa International Canoe Competitionssa Poland upang maiuwi ang dalawang gold medals para sa Pilipinas. Ang kanilang momentum ay patuloy para sa 2025 World Games sa Chengfun sa Agosto.

Sa ibang banda, ang Canoe Kayak contingent ay sasabak sa dalawang high level events sa 2025 ICF Junior and U23 Canoe Sprint World Championship na nakatakda sa Hulyo 23 Hanggang 27 sa Montemor -0-Portugal at ang 2025 ICF Canoe Sprint World Championship mula Agosto 20-24 sa Milan;Italy. Pambato ng bansa sa Junior and Under -23 sina Janus Ercilla at Neljohn Fabro na nakatakda ring humataw sa Italy, makakasama si Ojay Fuentes, women tandem canoeist na sina Joanna Barca at Lealyn Baligasa at iba pa.

Matapos ang kanilang back to back triumphs,ang tropa ni PCKDF president Len Escollante ay nag- courtesy call sa Philipine Sports Commission.

Nagpupugay ang korner na ito kay PCKDF prexy Len Escollante na siyang malaking dahilan sa mga naiuuwing karangalan ng super alaga niyang mga atleta para sa bayan. Gold pa more!