PCKDF, PPC LGU, PSC at POC nagkapit-bisig.. MATAGUMPAY NA WORLD DRAGONBOAT C'SHIP SA PUERTO PRINCESA
NAPATUNAYAN sa buong mundo na kayang mag-host ng dambuhalang kaganapang pang-international sports tourism ang pamosong Puerto Prinsesa City sa Palawan.
SPORTS
Danny Simon
11/9/20243 min read


NAPATUNAYAN sa buong mundo na kayang mag-host ng dambuhalang kaganapang pang-international sports tourism ang pamosong Puerto Prinsesa City sa Palawan.
Sa katatapos na ICF World Dragonboat Championship sa tourist hub na Baywalk ng lungsod na nilahukan ng 27 bansa kabilang na ang Pilipinas bilang punong-abala, naging mapayapa, patas na laban, sistematikong torneo sa aspetong teknikal, home away from home, marubdob na kumpetisyon, hatak ng turistang lokal at international na nag-enjoy sa mahalinang siyudad at lahat ng dayo ay nagsiuwing nakangiti panalo man o talo.
Sa pagtutulungan ng Puerto Prinsesa City LGU sa pamunuan ni Mayor Lucilo Bayron kaagapay ang kanyang Sports Director na si Rocky Austria, National Sports Association (NSA) na Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) sa liderato ni President Len Escollante katuwang ang Philippine Sports Commission, Lacoste Watches at Philippine Olympic Committee, naging matagumpay sa kabuuan ang unang hosting ng international dragonboat kompetisyon dito sa bansa kung saan ay bonus pa ang pagiging overall champion ng Pilipinas.


Mayoŕ Bayron and Gilas News
"It's a great honor to host a gigantic international event like this world dragonboat championship - we've shown to the world that Puerto Prinsesa City is really a place to be in sports tourism, culture, arts and warm hospitality, other sports international hosting will surely follow thru, welcome to our city anytime" pahayag ni Mayor Bayron na instrumental sa malinis na kapaligiran at mapayapang kalunsuran sa lalawigan ng Palawan
Buong pasasalamat naman at pagpupugay ang hatid ni PCKDF head Escollante mula sa dayo at lokal na atleta, coaches, opisyales ng bawat delegasyon ng 27 bansang nagtunggali, sa PSC, POC, Lacoste, PPC Tourism, LGU sa pamumuno ni Mayor Bayron at sa national government na nagkapit-bisig tungo sa misyon na successful hosting.
"Mission Accomplished, matagumpay ang hosting natin at may bonus pa tayong overall championship na dinaig pa natin ang powerhouse teams from Europe, USA at Asia,..Mabuhay Pilipinas!", very proud na pahayag ni Escollante.
Sa eksklusibong panayam naman ng GilasNews,ipinagmalaki ni Puerto Princesa Sports Director Rocky Austria ang tagumpay ng katatapos na ICF World Dragonboat Championships instrumental dito ang determinasyon at political will ni Mayor Bayron at ni PCKDF Pres.Escollante. "I believe this was a huge success.Masaya, walang problema, ang daming nag- participate (nasa 27 bansa) at first ito sa Southeast Asia," sambit ni Austria na abala na rin sa dalawang sunod pang malalaking sports events na Batang Pinoy Games at BIMP EAGA Games ngayong Nobyembre at Disyembre sa PPC.
"Napakaganda ng promotional value ng Puerto Princesa City sa buong mundo at napatunayan nating we are capable of hosting big international like this. Naipamalas din natin na mas namayani ang pagkakaibigan through sports like in the case of Ukraine na may giyera ķontra Russia. Dito ay naging magkaibigan sila sa Dragonboat sport."ani pa Austria.
Ang overall champion na Pilipinas ay nag-qualify din sa susunod na taong World Games sa Chengdu, China.


Sports Director Austria




GilasNews with Korean lady paddlers
National Dragonboat team
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato