PELOTA ANYONE?
Bihira sa mga kabataan ngayon ay alam o naglalaro ng pelota. Pero noong dekada '70 hanggang '80 ay sikat na sikat ang larong pelota. Maraming celebrities ang nahilig dito .
SPORTS
ATTY. ARIEL INTON
9/4/20241 min read


Bihira sa mga kabataan ngayon ay alam o naglalaro ng pelota. Pero noong dekada '70 hanggang '80 ay sikat na sikat ang larong pelota. Maraming celebrities ang nahilig dito . Ngunit unti -unti itong nawala at ngayon ay bihirang- bihira ang naglalaro ng pelota
Ang pelota ay nilalaro ng players na may racket na mas maliit sa tennis at papaluin nito ang bola para tumama sa isang wall at pagbalik naman ay ang kalaban ang papalo hanggang sa may hindi makapagbalik ng bola sa wall. Parang nag-walling ka sa tennis pero ang kalaban mo at ikaw ay magkatabi sa isang side hindi tulad sa tennis na nasa magkabila ng court.
Tulad din ito ng jai alai na sikat na sikat na gaming sports noong 70s. Pero nawala ang hilig ng Pinoy sa pelota.
Marahil may ilan pelota courts pa rin sa Manila pero bihira na ang naglalaro. Magandang maibalik ito dahil exciting din ang larong pelota dahil mabilis ang balik ng bola pag bumanda sa wall at kailangan mabilis at madiskarte ang kalaban para maibanda niya ulit pabalik sa kalaban niya.
May mga ilan PELOTA Associations pa na puede makapagdaos ng kompetisyon at bumalik ulit kahit papaano ang hilig ng Pinoy sa pelota.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato