PERLAS NG SILANGAN BASKETBALL LEAGUE, BAKBAKAN NA!

NABUKSAN na ang taklob ng perlas para sa kabataang basketbolista na hangad ay magandang bukas.

SPORTS

7/28/20242 min read

NABUKSAN na ang taklob ng perlas para sa kabataang basketbolista na hangad ay magandang bukas.

Umarangkada ang magarbong pambungad seremonya ng Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) kung saan ay pumarada ang mga koponang kalahok sa naturang basketball grassroot development program na naglalayong lumawig ang oportunidad na madiskubre ang kanilang talento at matupad ang pangarap.

Ang naturang kaganapang inorganisa nina founder/COO Christian Ensomo at co-founder Nato Agbayani ay suportado rin nina Sagip Party List Cong.Rodante Marcoleta, broadcast journalist Ben 'Bitag Tulfo, kinatawan ng CHED, Dep Ed, LGU's at dating PBA players na nagbigay ningning sa makasaysayang okasyon.

Matapos ang parade of colors at entertainers' piece ay nagpakitang-gilas ang koponang Pilipinas Dream Team kontra Peek Up Legends na kinabibilangan nina former PBA superstar st PBA Legends Alvin Patrimonio, Paul Alvarez, EJ Feihl, Marlou Aquino, Johnny Abarrientos, Wilie Miller, John Ferriols at iba pa.

Ang PSBL Grand Opening kahapon sa Smart Araneta Coliseum. (Photos by Menchie Salazar)

Pagkatapos ng grand opening sa Araneta Coliseum ay lalarga ang PSBL u-21, U- 18,U-15 at U-12 nationwide.

Pumarada rin sa opening ang Team Paete Carvers ni Sportsman/ Public Servant Johnny Tam.

Sa bakbakang Legends kontra Dream Team ay nagtapos sa tabla, 70-70 sa regulation at dahil ang game ay exhibition ay wala nang extra period. Ang naturang advocacy event ay co-presented ng Noble Life Philippines, Peek Up, WPS, IBP-Bagong Pilipinas with Media partners PTV 4, Zoe Broadcasting Corporation, The New Channel, Blast TV, TAP Sports and Partners Globaltronics and DOOH gayundin ang Gold's Gym, Katinko, Bridge, VoiceBox Training University at Lorae Institute.

Para sa dagdag detalye: kumontak kay Nato Agbayani COO/Media Affairs 0991 296 3121/0945 765 1177. ENJEL MANATO

Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta (Menchie Salazar)