PERLAS NG SILANGAN BASKETBALL LEAGUE HANDA NANG MAGPAKITANG-GILAS SA 'PINAS
HANDA nang maglaro sa Perlas ang mga kabataang may pangarap na makarating sa bigtime basketball sa bansa
SPORTS
Enjel Manato
6/13/20241 min read


HANDA nang maglaro sa Perlas ang mga kabataang may pangarap na makarating sa bigtime basketball sa bansa.
Inilunsad kamakalawa ang Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) na Manila Grand Opera Hotel sa Maynila na inihahandog para sa lahat ng potensyal na kabataan sa bayang basketbolista ayon kay PSBL founder/CEO Christian Ensomo.
Hindi lang aniya sa National Capital Regional naka-pokus ang liga kundi sa lahat ng rehiyon sa buong kapuluan at ang target ng pagdiskubre sa grassroot level ay ang mga barangay, paaralan, distrito, komersyal at ipino-promote dito ang sports tourism, kultura at ang livelihood sa pamamagitan ng palakasan.
Si dating PBA star Rodney Santos ang siyang hinirang na PSBL Commissioner.
Aarangkada ang angasan sa Perlas ng Silangan Basketball League sa Hulyo 24, 2024 sa Araneta Coliseum at ilalahad ang kumpletong talaan ng mga koponang kalahok sa lalong madaling panahon bago ang makulay na grand opening sa Big Dome.
Sinabi rin Ensomo na hindi lang basketball ang pagtutuunan ng panahon ng kanyang organisasyon kundi maging ang volleyball, football, arnis at dancesport ang pag-uukulan ng panahon ng Ensomo sports.
"Narito na ang PSBL partikular para sa kabataang may potensyal sa sports. Make way for our new league. Kabataan handa na para inyo!"
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City