IN GOD WE TRUST
PERRY TALE
SA Kyusi, it rings the bell kapag narinig ang pangalang PERRY MARIANO.
OPINION
ni Danny Simon
4/30/20262 min read


SA Kyusi, it rings the bell kapag narinig ang pangalang PERRY MARIANO.
Magmula pa noong dekada '80 hanggang ngayong era na ng mga genzys sa larangan ng entertainment, nightlife at SPORTS.
Hindi siya pulitiko, hindi rin aktor sa pinilakang- tabing.
Prominenteng pigura sa dagitab ng mga patay_ sinding makulay na Ilaw sa mga establisimyentong aliwang dinadayo sa Timog QC bandang hapon hanggang madaling-araw dahil sa kanyang natatanging katanyagan sa lugar ng mga sikat na restorang dinadayo ng mga tanyag na tao sa bansa hindi lang sa Quezon City kundi mula sa ibang lugar na nakakakilala na sa kanya ,ay isa na si Perry M. sa mga itinuring nang KiNGMAKER sa pulitika,lokal man o nasyunal at pati na sa larangan ng sports na lalong nagpatingkad sa neon light ni PERRY MARIANO,
Isang billiards enthusiast,di siya gaanong sumargo bilang manlalaro ,rumerepeke ang pangalang Perry nang siya ay naging tagatuklas, organisador at NINONG sa larangan na nagbigay ng pag -ASA sa mga may potensiyal na bilyarista pero walang kakayahang pinansiyal .
Noon ay isang mistulang fairy tale lang ang pangarap ng Isang bilyarista na. magkampeon partikular sa international competitions.
Ang daming Pinoy ang likas ang husay sa larangan ng pool o billiards pero maliban sa mga unang namayagpag sa world stage na sina Amang Parica, Efren ' Bata Reyes, Djanggo Bustamante,Marlon Marvelous Manalo ay muntik nang di masundan ang kanilang yapak dahil sa kakulangan ng resources,
Buti na lang may Isang Perry Mariano na kumalinga sa kanila upang suportahan ang kanilang international na kumpetisyon kung kaya nag sipag - kampeon sina Dennis Robo Cop' Orcollo, Carlo Viado Antonio Gabica ,Ronnie Alcano at iba pang BUGSY Boys na nakapag - produce ng world class talents sa pagsisikap ni Perry kaya ang kanilang panaginip na magkampeon sa mundo ay natupad at naiukit Ang kanilang pangalan sa daigdig ng palakasan ,
Si Perry din ang umayos sa estado ng NSA na billiards kung saan ay walang programa ang mga lider ng BSCP noon dahil ang mga national players na inilalaban sa SEAGames at Asiad ay galing mga dinebelop ng BUGSY's at di mula sa grassroot level,
Si Mr. leather jacket, beatles-haired Perry ay walang puknat sa pagtuklas ng talento mula grassroot hanggang elite. Kaya itinatag niya ang Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) na sinuportahan din ng isa pang billiards godfather na si Putch Puyat.
Mula noon ay nagkaroon na ng maningning na pag-asa ang mga bilyaristang Pinoy na magkampeon sa lokal at international na mesa at bulilyo ng tagumpay katuwang na rin niya ang kanyang pamilya.
Dream come true Ang fairytale lang noon ng ating World pool champions, Lumawig na ng husto, naging world class venue na rin ang mga bilyaran particular sa Perry territory ng Timog sa Kyusi damay na rin ang ibang sikat na sports sa kanyang state -of -the- art venues (MSW) sa Quezon Avenue at ang pinakahuli ay ang itinatag ng kanyang anak na si Hadley Mariano na Sharks Billiards sa Tomàs Morato.
Gayunpaman, kahit na ang mabuting gawa ay may hangganan din , Winakasan ang Isang Perry Tale ng mga punglo mula sa masasamang loob na pumanglaw sa mga dagitab ng ilaw ng kanyang pagpanaw Paalam PINONG MAR, mananatili naman Ang iyong legasiyang hinubog sa TIMOG partikular sa mga taong naging bahagi ng iyong buhay lalo pa't ang iyong patented na sandallas ay sakto sa iyong ijo precioso Hadley Mariano..tuloy ang SARGO!
Lowcut- Getwell Ms Vangie from your teammates Ms Dawn, Nell Cath V., Bong V., Bong Bantang , Ervin S., Edward S. and Uppercut.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
