IN GOD WE TRUST

PH AQUATICS: ERIC BUHAIN PA RIN!

MANANATILI ang direksyon at ipagpapatuloy ang namarkahan sa pamumuno ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) matapos makakuha ng panibagong dalawang taong mandato sina Miko Vargas at swimming legend na si Eric Buhain upang pamunuan ang organisasyon.

SPORTS

ni Danny Simon

4/19/20262 min read

MANANATILI ang direksyon at ipagpapatuloy ang namarkahan sa pamumuno ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) matapos makakuha ng panibagong dalawang taong mandato sina Miko Vargas at swimming legend na si Eric Buhain upang pamunuan ang organisasyon.

Muling nahalal sina Vargas at Buhain bilang Pangulo at Secretary General, ayon sa pagkakasunod, sa ginanap na PAI General Assembly at Election of Officers kam akailan sa Century Park Hotel.

Pinagsama-sama ng pagpupulong ang mga regional directors mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kasama ang mga kinatawan mula sa lahat ng larangan ng aquatic sports, na nagpapakita ng nagkakaisang layunin na palakasin at palawakin ang direksyon ng aquatic sports sa buong bansa.

Nahalal din sa mahahalagang posisyon para sa termino ng 2026–2028 sina Jojo Quilop bilang Vice President at Marie Antoinette Dimanche bilang Treasurer, habang itinalaga naman sina Anthony Reyes at Jess Arriola bilang Executive Directors.

Nasaksihan at pinagtibay ang mga naganap sa pagpupulong ni Atty. Wharton Chan, kinatawan ng Philippine Olympic Committee, upang matiyak na ang lahat ng hakbang ay alinsunod sa konstitusyon at bylaws ng PAI.

Isa sa mga naging tampok sa pagtitipon ang pag-apruba sa mga pagbabago sa bylaws ng organisasyon. Sa ilalim ng bagong istruktura, ang kasalukuyang hanay ng mga opisyal ay magsisilbi ng dalawang taon mula 2026 hanggang 2028. Simula 2028, ang lahat ng susunod na mahahalal na opisyal ay magsisilbi na ng apat na taon—isang hakbang na naglalayong magbigay ng mas matatag na pamumuno at iayon ang pamamahala sa pangmatagalang layunin ng kaunlaran.

Binigyang-diin ni Vargas ang kahalagahan ng pagpapatuloy at grassroots development sa kanyang panibagong mandato.

Binigyang-diin naman ni Buhain, isang two-time Olympian, ang layunin ng organisasyon na maiangat ang antas ng Philippine aquatics sa pandaigdigang entablado.

“Malinaw ang aming pokus—ang makapaglinang ng world-class athletes habang tinitiyak na naaabot ng aming mga programa ang iba’t ibang komunidad sa buong bansa. Sa mas pinatibay na sistema, kumpiyansa kami na makalilikha pa kami ng mas maraming atletang magbibigay karangalan sa Pilipinas sa malalaking pandaigdigang kompetisyon,” pahayag ni Buhain.Kay Vargas at Buhain level up pa ang PAI sa mas mataas pang antas..

ABANGAN!

LOWCUT: Shoutout sa ating kabisnes at kamusikahan diyan sa Taguig partikular sa Upper Bicutan specially M'dam Evangeline Parcon,Cathy Nell Vergara,Ronald ' Bong Vergara at Kuya Bong Bantang ( ang gigolo na piloto ng Upper B hehe).Kudos to Kabalen Robert 'beep' Yansuan & Vice Mayor (Mayor to be ) Bustamante.

Best wish sa mga project na good as approved..when it rain, it pours 'ika nga. Karaoke na para sa mga proyektong super OKEY!