PH AQUATICS NATIONAL TRYOUTS SA AGOSTO 22-24 SA RMSC
SA malakas na suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay naghahanda para makapagpadala ng atleta sa lahat ng aquatic disciplines para sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand ngayong Disyembre.
SPORTS
Ni Danny Simon
8/15/20252 min read


SA malakas na suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay naghahanda para makapagpadala ng atleta sa lahat ng aquatic disciplines para sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand ngayong Disyembre.
Inihayag ni PAI Secretary General Eric Buhain na ang mga pambansang pagsubok ay isasagawa hindi lamang para sa regular swimming, kundi pati na rin para sa water polo at open water event, bilang bahagi ng kampanya ng federation na mabawi ang katanyagan ng bansa sa regional meet.
Ang national swimming tryout ay itinakda mula Agosto 22–24 sa Teofilo Ildefonso Swimming Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), habang ang open water swimming tryout ay gaganapin sa Agosto 30–31 sa Playa Tropical Resorts Hotel sa Barangay Victoria, Currimao, Ilocos Norte.
Nabuo na ang men’s water polo team sa pamamagitan ng serye ng mga tryout, habang nananatiling bukas ang mga slot para sa women’s team. Maaari pa ring sumali ang mga interesadong manlalaro hanggang Agosto 14, mula 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m., sa RMSC.
Samantala, nasa intensive training ang national artistic swimming squad sa Bacolod City sa ilalim ni coach Giella Garcia Sanchez gayundin ang diving team sa pangangasiwa naman ni coach Marie Dimanche.
“The transition year is tough and challenging for us, but we have risen to the occasion. Since our first year after the POC-guided elections, we immediately set up a data center to track performances from regional tournaments to national championships. We strengthened grassroots development through a series of competitions, seminars, and e-learning for coaches and technical officials,” sambit ni Buhain, an Olympian and Philippine Sports Hall of Famer.
Para sa mga elite athletes, ang PAI ay nagbigay ng buong suporta para sa internasyonal na pagsasanay at mga kumpetisyon sa abroad. Sa kasalukuyan, si Olympian Kyla Sanchez ay nagsasanay sa Canada, habang ang mga kampeon ng SEA Games na sina Xiandi Chua at Chloe Isleta ay nasa Melbourne.
Pambato rin ng bansa sina 2023 SEA Games gold medalist na si Tea Salvino, junior standouts Jasmine Mojdeh at Jamesray Mishael Ajido, mga beterano sina Jerard Jacinto, Fil-Am Gian Santos, at Andria Eichler — na parehong sumabak kamakailan sa World Championships sa Singapore.
Ang paghahandang ito, ani Buhain, ay naging posible sa suporta ng Philippine Sports Commission, SMART, at ng MVP Sports Foundation.
Binigyang-diin din niya na walang automatic slots para sa national team.
“Everybody must participate in the national tryouts. Even athletes based abroad who wish to join the team must come home and try out. This is an open tryout — all bona fide PAI members are welcome,” ayon kay Buhain, kasama si PAI President Miko Vargas, ay dumalo kamakailan sa World Aquatics Congress sa Singapore.
Sa huling SEA Games sa Cambodia, ang Pilipinas ay nasa ika-5 puwesto sa anim na bansang nakikipagkumpitensya, na nakakuha ng dalawang ginto, anim na pilak, at walong tanso. Nanguna ang Singapore sa kompetisyon na may 47 medalya, kabilang ang 22 ginto.
"Ang paparating na Southeast Asian Games ay magiging isang tunay na pagsubok para sa ating mga atleta at isang sukatan kung gaano kalayo ang ating pag-unlad sa rehiyon," pagtatapos ni Buhain.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato