Ph Baseball team.. MAKIKIPAG- HATAWAN SA TAIWAN

HINDI na masama ang tatlong panalo ng men’s Philippine National Baseball Team nang humataw sila sa nakaraang 19th Asian Games baseball event sa Huangzhou.

SPORTS

Danny Simon

10/21/20231 min read

HINDI na masama ang tatlong panalo ng men’s Philippine National Baseball Team nang humataw sila sa nakaraang 19th Asian Games baseball event sa Huangzhou,

"We couldn’t beat world caliber Japan and China in Asian Huangzhou,

China.

But we could secure the 5th place.

Though I wanted to beat China and go to 4th place, the 5th place is not bad," pahayag ni national baseball deputy coach Keiji Katayama ng KBL Stars.

Ito ang naging resulta ng kampanya ng ating baseball: Phi 0-6 Japan,

Phil 0-2 China

Phi7 0 Laos,

Phì 5-1 Hong Kong

PHI 11-1 Thailand.

Matapos ang maigsing pahinga ay tutuloy na ang ensayo ng nationals sa Rizal Memorial Baseball Stadium para sa Asian Baseball Championship sa Taiwan sa darating na buwan ng Disyembre.

Optimistiko naman head coach Joseph Orillana na magiging mabunga ang kanilang kampanya sa Taiwan na suportado ng Philippine Sports Commission at sa timon nina Philippine Amateur Baseball Association president Chito Loyzaga at secretary general Jose Pepe Muñoz.

Ang Pilipinas ang siyang naghaharing koponan sa Southeast Asia.

Keiji Katayama