IN GOD WE TRUST

PH Batang Beisbolista Kampeon sa BFA U-12 Asian Baseball C'ship 2026

HETO na ang ‘ future’ ng Philippine baseball.

SPORTS

Ni Danny Simon

8/19/20261 min read

HETO na ang ‘ future’ ng Philippine baseball.

Tinuldukan ng mga Batang Beisbolista ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2026 XII BFA U-12 Asian Baseball Championship sa pamamagitan ng 6–1 na panalo laban sa Thailand sa Guali, Hangzhou, China.

Pinangunahan ni Marion Leron ang depensa ng Pilipinas matapos magpitch ng 4⅓ innings, nagbigay lamang ng dalawang hits at walang run, habang nagtala ng pitong strikeout upang makuha ang panalo. Sumunod sina Zaccheus Khris Miguelle Rogado, na may dalawang strikeouts sa 1⅓ innings, at Mark Andrew Santos, na nagtapos sa laro. Sa kabuuan, dalawang hits at isang run lamang ang pinayagan ng tatlong Pilipinong pitcher at nakapagtala sila ng siyam na strikeout.

Sa opensa, nagtala ang Pilipinas ng limang hits, pitong walks at 10 stolen bases. Dalawang hits ang ambag ni Czylde Marcus Santos, habang may tig-isang hit sina Brent Nicollo Soledad, Leone Aramis De Vera at Khaliq Miguel Soriano. Double ang hit ni De Vera, samantalang nagtala ng tig-isang RBI sina Soledad, Max Deinielle Barcena at Rogado. Wala ring naitalang error ang Pilipinas sa laro.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng koponan kasunod ng mga tagumpay laban sa Pakistan at Hong Kong sa padayong suportado ng

PABA Philippine Sports Commission at POC - Philippine Olympic Committee - Olympic.PH #PABABaseball #BaseballPH

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...