PH BOXER MARCIAL: GOLD OR NOTHING SA PARIS OLYMPICS ’24

PARA kay Felix Eumir Marcial ang 2024 Paris Olympics ay ang huling baraha na niya sa kanyang ambisyong masungkit ang mailap na ginto .

SPORTS

Clyde Mariano

2/17/20242 min read

PARA kay Felix Eumir Marcial ang 2024 Paris Olympics ay ang huling baraha na niya sa kanyang ambisyong masungkit ang mailap na ginto .

Nakalusot sa kanyang mga kamay ang ginto sa Tokyo kong saan ang kanyang pagsusumikap ay hindi sapat kaya nauwi na lang sa tanso.

“It’s now or never. Gold or nothing. I will not settle for anything less but the gold. Do or die ang laban ko sa Paris,” sabi ni Marcial sa panayam sa kanya matapos manalo ng pilak sa Asian Games at makopo ang trip ticket to Paris.

“Gagawin ko ang lahat para makuha ang mailap na ginto sa Paris bago ko i-focus ang attention ko sa professional career . Last hurrah ko ito. Hindi na ako bata.Sa susunod na Olympics sa Los Angeles 33 years old na ako,” wika ni Marcial.

“Nakasentro ang buo kong attention sa Paris dahil mas mahalaga sa akin ang Olympics. Lahat na atleta i-isa ang goal , ang manalo ng ginto sa Olympics. Yan din ang goal ko sa Paris. Dibdiban at hindi ako nagpapabaya sa ensayo sa aking paghahanda sa Olympics,” ani Marcial.

Kong sakaling palarin si Marcial masungkit ang ginto hindi lang maduplika ang gold na napanaunan ng kanyang kababayan sa Zamboanga na si Hidilyn Diaz ,magiging makasaysayan, makahulugan at memorable sa kanya ang event dahil sa Paris unang lumahok ang Pinas sa Olympics noong 1924, labing isang araw bago tinatag ang National Olympic Committee na ngayon ay kilala sa pangalang Philippine Olympic Committee.

Si Marcial ay kasama sa apat na atleta nanalo mg medalya sa 19-field delegation sa Tokyo pinamununuan ni Chef de Mission Philippine Football Federation president Mariano Araneta.

Maliban kina Marcial at Diaz, nanalo pilak sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio sa boxing.

Nanalo si Marcial pilak sa 2019 World Boxing Championship ginawa sa Ulan Bataar, Mongolia.

Hindi sumabak si Marcial sa Southeast Asian Games at ang pinaghandaang ang Asian Games ginawa sa Hangzhou, China.

Nanalo si Marcial ng pilak matapos natalo sa Mongolian decent Tanglatihan Tuohetaerbike ng China sa finals sa 80 kilograms nang dispatsahin si Ahmad Ghousoon ng Syria via second round knockout at pinasuko si Weerapon Jongjohon ng Thailand sa second round at Dalai Gazorig ng Mongolia 5-0.

Si Marcial ang pangatlong Pinoy na nakapasa sa qualifying ,una si pole vaulter Ernest John Obiena at sumunod si Carlos Yulo. Pinatalsik ni Tanglatihan si Turabek Khabbullaev ng Uzbekistan at harapin si Marcial sa finals.

Nag training si Marcial sa Las Vegas kay Jorge Capetillo at sa Los Angeles Wild Card kay famed trainer Freddie Roach. Nanalo si Marcial limang sunod na laban sa middleweight division sa US kasama ang panalo kay Andrew Whitfield, Isiah Hart, Steven Pichardo at Ruben Ricardo Villalba ng Argentina bago lumaban sa Asian Games.

Malaki ang tiwala ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino sa kakayanan at galing ni Marcial sa boxing.

“Eumir is a talented and versatile boxer. His desire is to bring honor to the Philippines and the Filipino people around the world,” sabi ni Tolentino.

Nanalo si Marcial ng apat na ginto sa SEA Games sa Singapore, Malaysia, Philippines at Vietnam. Nanalo rin ang prized fighter taga Zamboanga sa Asian Boxing, Asia-Oceania at nanalo pilak sa 2019 AIBA World Boxing Championship sa Mongolia.