IN GOD WE TRUST
PH ENCUENTRO C'SHIP 52 BAKBAKAN NA SA PASAY CITY
MULING hahataw ang mga palabang mandirigma sa ruweda sa larangan ng combat sports na napaka- popular na sa Pilipinas.
SPORTS
Ni Danny Simon
9/30/20261 min read


MULING hahataw ang mga palabang mandirigma sa ruweda sa larangan ng combat sports na napaka- popular na sa Pilipinas.
Ikakasa na ni Asian Games Doha 2006 gold medalist at Sudokwan founding chairman Rene Catalan ang mga rumerepekeng aksiyon sa Mixed Martial Arts, Boxing,Kickboxing,Karate at Sudokwan sa men and women's division sa araw ng Sabado ( Abril 3) sa Lungsod
" Saksihan ang ating susunod na edisyong Philippine Encuentro Championship ( PEC) na panibagong edisyon ng Search for more Filipino Heroes.Tara na mga fights enthusiast sa Sabado 2pm onwards sa Pasay City ", ayon pa sa sports legend na si Catalan lakip ng kanyang todong pasasalamat sa suporta ng NEXIS Multinational Corporation at Carziqo.
Ang Sudokwan event sa PEC ay bahagi rin ng requirement ng PSC at POC para sa kaukulang rekognisyon ng Sudokwan bilang NSA.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
