IN GOD WE TRUST
PHILIPPINES VS FRANCE SA NEXIS SUPERFIGHT NG PEC 53 SA NOV. 14
KASADO na ang eksplosibong engkwentro sa pagitan ng Pilipino at Frances combat fighter na magba bakbakan para sa karangalan sa sasambulat na Nexis/ PEC/ Sudokwan SUPERFIGHT sa Nobyembre 14 sa covered court ng Bgy. 54 sa Pasay City.
SPORTS
Ni Danny Simon
10/22/20261 min read


KASADO na ang eksplosibong engkwentro sa pagitan ng Pilipino at Frances combat fighter na magba bakbakan para sa karangalan sa sasambulat na Nexis/ PEC/ Sudokwan SUPERFIGHT sa Nobyembre 14 sa covered court ng Bgy. 54 sa Pasay City.
Magpapakitang- Gilas ang hometown bet na si Jericho Dimpaz ng Pilipinas
kontra mapanganib na kaengkwentrong si Louis Le Jimeau ng France paral sa 175 lbs. Division ng Philippine Encuentro Championship main event ng nakahanay na halos dalawampung fightcards.
Ang naturang bakbakan na bahagi ng search for more Filipino Heroes na adbokasiya ni chairman Rene Catalan ng Catalan Fighting System at founding. head ng Sudokwan Association, Inc.
" No dull moments tayo sa sports particular sa MMA, Kickboxing, boxing lalo na sa Sudokwan kaya mga
ka - engkwentro..sa November 14, BAKBAKAN NA TAYO!," wika ni 2006 Asian Games Doha, Qatar wushu gold medalist Catalan lakip ng kanyang pasasalamat sa event partner na NEXIS Multinational Corporation, Pasay City at Bgy. 54 LGU'.
Ang naturang kaganapan ay bahagi rin ng requirements ng Philippine Olympic Committee ( POC) at Philippine Sports Commission ( PSC) upang makamit na ng SAI ang kaukulang rekognisyon bilang lehitimong National Sports Association (NSA).
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
