IN GOD WE TRUST
PHILIPPINES VS SWITZERLAND SA 'ENCUENTRO KAMPEONATO' NG PEC' 52 CFS SA KYUSI
MAGKU-KRUS ng landas ang pambatong mandirigma sa ruweda sa pagitan ng Pilipinas at Switzerland sa pagsambulat ng Philippine Encuentro Championship (PEC) Search for more Filipino Heroes '52 na raratsada sa Disyembre 12, 2026 sa Quezon City.
SPORTS
Ni Danny Simon
11/25/20261 min read


MAGKU-KRUS ng landas ang pambatong mandirigma sa ruweda sa pagitan ng Pilipinas at Switzerland sa pagsambulat ng Philippine Encuentro Championship (PEC) Search for more Filipino Heroes '52 na raratsada sa Disyembre 12, 2026 sa Quezon City.
Ayon kay Asian Games 2006 Doha wushu gold medalist, PEC founding chairman, Sudokwan Association head and founder Rene Catalan-CEO ng Catalan Fighting System, tampok ang encuentro sa NEXIS, PEC, SAI Super Fight 180 pounder nina Noel Gatchalian ng Pilipinas kontra Romeo Greco ng Switzerland.
" Inaasahan natin dito ang eksplosibong sagupaan ng best bets na Pinoy at mapanganib na Swiss fighter at Tiyak na dadagsain ito ng fight fans mula Quezon City at karatig...Encuentro na!", wika ni Catalan na sinegundahan ang naturang paghimok na abangan ang kaganapan ni executive secretary at event organizer Dr. Brookeshields Imperial
Tampok din sa 'Encuentro ang salpukan sa pagitan nina John Wayne Castellano ng Quezon City laban Kay Jeffrey Marin ng Rizal sa Sudokwan Championship sa 51 Kg.
Magtatagisan ng lakas at bangis sa PEC 175 lbs. sina John Nicole Camangeg kontra James Dequito Para sa kampeonato.
Papasiklab naman sina Leovic Emboltorio kontra John Absin sa MMA bout 120 lbs.
Eeksena rin sa PEC Championship ang best bets ng Pilipinas vs Bangladesh nina John Warlito Porras, Jr at Jari Junaid Islam ayon sa pagkakasunod.
Magpapasabog ng tapang si Dominic 'Tangke Canon kontra malakas na fighter na si Aaron Mahinay sa MMA 95 Kg.
Magtutunggali sa MMA 70+ Kg sina NCR bet Kurt Estandian kontra Diyan Avipam ng Leyte na susundan ng duelo nina Virgilio Ebajo vs Juriz Carl Abucay sa parehong kategorya.
Babakbak sa labang tinagurianng Battle of the Coaches sa Super Fight 145 lbs sina Rodel Rocilio vs Alvaro Vargas, Jr.
Ang biggest PEC event ngayong taon 2026 ay pinatingkad pa ng espesyal na kaarawan ni CFS chairman Catalan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
