Phil.Youth Training Pool Isinusulong ni PSC Comm.Fritz Gaston

TUNAY na nananalaytay sa kanyang dugo ang pagiging taal na sportsman at lingkod -bayan.

SPORTS

Danny Simon

2/2/20242 min read

TUNAY na nananalaytay sa kanyang dugo ang pagiging taal na sportsman at lingkod -bayan.

Magmula noong kanyang kabataan bilang varsity cage player ng kanyang naging alma mater na University of Santo Tomas hanggang Ateneo de Manila University tungo sa pagiging mentor at head coach sa amateur stage kalaunan ay naging pro cager bago naging chairman ng Games and Amusement Board( GAB) na isang nasyunal nang responsibilidad para mga atletang propesyunal .

Buong akala niya ay doon nagtatapos ang kanyang karera sa larangan ng sports at bilang lingkod - bayan.

Nang ninombrahan siya ng Marcos administration na maging miyembro ng board ng ahensiyang pang- sports ng gobyerno na Philippine Sports Commission, si PSC Commissioner Matthew 'Fritz Gaston ay malugod niyang tinutupad ang kanyang papel at tungkulin at pagharap sa malaking hamon para sa kapakanan ng pambansang sports.

" Mas matindi ang challenge ngayon keysa noong sa GAB ako.Dito kasi sa PSC nasa halos 50 sports ang ating kakalingain sa pamumuno ni chairman Richard Bachmann at katuwang nating commissioners din.Pero masarap sa pakiramdam at malugod nating ginagampanan ang nakaatang sa ating balikat para sa bayan at atletang Pilipino.

Sa GAB kasi anim na pro- sport lang umiinog ang ating paglilingkod di tulad dito sa PSC na saklaw ang serbisyo mula kalunsuran hanggang kanayunan( grassroot sports) partikular sa pagtuklas ng mga potensyal na kabataang atletang magbibigay ng karangalan sa ating bansa sa hinaharap",wika ni Gaston sa eksklusibong panayam.

Nais niya ring maibigay ang mga kaukulang atensiyon at kalinga sa higit sampung NSA's na nakatoka sa kanyang komisyunado na posible sa joint effort ng Board para maihatid ang mga pangangailangan ng mga pambansang atleta mula training, axposures abroad hanggang aktwal na kumpetisyon.

Isusulong din ni Gaston ang Philippine Youth Training pool na siyang kakalinga sa mga tuklas na talento mula Batang Pinoy,Philippine National Games at Palarong Pambansa.

"Aking hangarin ang magampanan ng todo ang tiwalang pinagkaloob sa akin ni Pangulong Bongbong Marcos at maging lalong matibay ang harmoneous relation kina chairman Bachmann at kapwa ko commissioners para sa Philippine sports",ani pa Gaston.

Sa halos isang taon na niyang commissioner ay nagampanan niya ng husto ang inaasahang responsibilidad at tungkulin pati ang total implementasyon ng kanyang pet project na youth training pool.