Pickleball kilalanin sa TOPS ‘Usapang Sports’
Bagong libangan, bagong sports na posibleng magbigay ng karangalan sa Filipino sa international arena.
SPORTS
Enjel Manato
11/22/20231 min read


Bagong libangan, bagong sports na posibleng magbigay ng karangalan sa Filipino sa international arena.
Kilalanin at maging pamilyar sa sports na pickleball sa pagbisita ni Philippine Pickleball Federation (PPF) president Armando Tantoco sa Tabloids Organization in Philippine Sports,Inc. (TOPS) “Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Nov. 23 sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Tampok na panauhin sa programa ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat ang pinuno ng asosasyon para maipaliwanag sa publiko ang pamamaraan at progreso ng sports sa kasalukuyan.
Nasimulang binuo nitong 2016 at naunang ipinakilala sa Cebu City, ang paddle o racket sports ay kinilala na ng World Pickleball Federation bilang natatanging National organization para magsagawa ng promosyon, organisadong torneo, at programa mula sa grassroots hanggang sa elite level.
Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth ‘Beth’ Repizo ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiasts na makiisa sa talakayan sa programa na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang Sports official Facebook page, gayundin sa Bulgar TV at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) TV na puwedeng ma-download sa inyong Android phone.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato