PILIPINAS PINULBOS ANG THAILAND SA ASIAN BASEBALL C'SHIP

PINATUNAYAN ng Philippine baseball team ang superyoridad nito sa Southeast Asia matapos na pulbusin ang arch -rival sa Southeast Asian Games na Thailand, 14-4 sa hatawan ng mga Asyano sa Asian Baseball Championship na humataw sa Taiwan Dome, Taipeh kahapon.

SPORTS

Danny Simon

12/5/20231 min read

PINATUNAYAN ng Philippine baseball team ang superyoridad nito sa Southeast Asia matapos na pulbusin ang arch -rival sa Southeast Asian Games na Thailand, 14-4 sa hatawan ng mga Asyano sa Asian Baseball Championship na humataw sa Taiwan Dome, Taipeh kahapon.

"Starter Eguia( Vladimir) had a good pitching (5 innings 0 runs) and Diarao also did pitch well. Our batters, Pareja (Jennald), Bernardo (Adrian), Manaig (Mark Steven), Liguayan (Ferdinand) and Caasalan (Clarence Lyle) hit 10 hits. We had a good start of this Asian championship!!", pahayag ni PH IX deputy coach/ lconsultant Japanese national Philippine -based Keiji Katayama.

"Will have a game against Pakistan ( today) and Japan day after tomorrow," ani pa Katayama , may-ari ng KBA Stars baseball team sa Pilipinas.

Ang iba pang miyembro ng nationals ay sina Romeo Jasmin, Junmar Darao, Raymond Nerosa, Kennedy Torres, Carlos Munoz, Joshua Pineda, Renato Samuel, Alfredo de Guzman, Ignacio Luis Escano, Jon-Jon Robles, Kyle Rodrigo Villafania, Mark JP Beronilla, Lord Aragon de Vera, Clarence Lyle Caasahan, Kyle Soberano, John Leonel Matanguihan, Ferdinand Liguayan, Erwin Bossito, Juan Paolo Macasaet at John Raymond Vargas.

Miyembro ng coaching staff sina Orlando Binarao,Wilfredo Hidalgo,Joseph Orillana, Isaac Bacarisas at Katayama.

Head of delegation si Jose 'Pepe Munoz, secretary general ng Philippine Amateur Baseball Association( PABA) sa pamumuno ni president Chito Loyzaga.