Pinay masters reyna sa Puerto Princesa.. PILIPINAS 4 GOLDS NA SA ICF WORLD DRAGONBOAT TILT
PUERTO PRINCESA – Nagpamalas na ng bangis ang Pilipinas sa ikalawang araw ng pasiklaban ng mga dayuhan at lokal na atleta ng sport na dragonboat sa Palawan.
SPORTS
Danny Simon
11/1/20242 min read


PUERTO PRINCESA – Nagpamalas na ng bangis ang Pilipinas sa ikalawang araw ng pasiklaban ng mga dayuhan at lokal na atleta ng sport na dragonboat sa Palawan. Humakot ng medalya, 4 golds, 1 silver at isang bronze ang sinagwan ng Philippine paddlers sa katubigan ng tanyag na tourìst destination na Baywalk dìto.
Bagama't makulimlim ang Biyernes ng umagang karera sa medyo maalong dagat , naiparamdam ng Pinoy paddlers ang kanìlang lakas kontra dayuhang kalaban una sa pagsaklit ng ginto sa 200-meter finals sa waging tiýempong 47minuto .7 segundo.
iniwanan ng local bets ang Canada(48.69) kasunod ang Individual Neutral Athletes na binubuo ng Russian athletes (49.03), sa karerang suportado ng Philippine Sports Commission Tingog party-list at Lacoste watcn.
Tinampukan ang tagumpay ng Pilipinas sa pagre-reyna ng PH women’s masters squad para sa panibagong ginto ng host sa 40+ 200-meter event sa winning time na 49.41 segundo para ungusan ang Czech Republic (50.84) at Hungary (52.12).
Ang PH men’s masters team ay nangibabaw sa standard board 200-meter event (49.01) habang ang women’s counterpart ang dumagdag ng ika-apat na gold (55.22) sa prestìhiyosong kaganapang inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation ni President Len Escollante katuwang ang Puerto Princes City government sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron.
Nakasungkit din ng Pilipinas ang
silver medal sa men’s 20-seater standard boat open event (47.59) at isang bronze sa women’s 20-seater 200-meter event (55.22) na isa nang matinding performance ng host sa torneong dagdag ningning sa centennial jubilee ng International Canoe Federation.
“Ginawa lang namin yung lahat ng makakaya mula training with some slight changes. Huminga kami ng malalim then tuluy-tuloy na. Kumbaga full throttle,” wika ni national team skipper OJ Fuentes matapos masagwan ang unang ginto para sa Pilipinas
“Masaya kaming makakuha ng first gold pero hindi pa tapos yung misyon namin. Umpisa pa lang yan at hopefully sunud-sunod na.”
aniya pa kaugnay ng kanilang misyong mapantayan kundi man maalpasan ang medal haul ng mga Pinoy paddlers na nag-uwi ng five gold - two silver medals nang llumahok ang bansa noong 2018 edition sa Lanier Lake in Gainesville, Georgia.
Ang ICF tilt dito sa Puerto Princesa ay magsisilbing qualifying event para sa World Games Chengdu, China sa 2025.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato