Pinoy chesser Louie Salvador 'da best' sa Thailand Rapid chess
Nasaklit ni Filipino chesser Louie Salvador ang titulo at ang 3,000 Thai Baht na premyo sa Red Knight Chess Club & Cafe FIDE Rated Rapid Tournament noong Linggo, Mayo 25, 2025 sa Red Knight Chess Club & Cafe sa Bangkok, Thailand.
SPORTS
Danny Simon
5/26/20251 min read


Nasaklit ni Filipino chesser Louie Salvador ang titulo at ang 3,000 Thai Baht na premyo sa Red Knight Chess Club & Cafe FIDE Rated Rapid Tournament noong Linggo, Mayo 25, 2025 sa Red Knight Chess Club & Cafe sa Bangkok, Thailand.
Ang 34-taong-gulang na si Salvador, isang guro ng chess sa Big Rook Chess Academy sa Bangkok, Thailand, ay nakipag-draw sa kanyang kababayang FIDE Master (FM) Jony Habla ng Pilipinas matapos ang 25 moves ng Italian Game sa final round ng 1-day rapid chess meet na inorganisa ni FIDE Master (FM) Riste Menkinoski.
Si Salvador, na taga-Barangay Tatalon, Quezon City, ay natapos ang kanyang kampanya sa anim na round na Swiss system tournament na may kabuuang 5.5 puntos dahil sa limang panalo at isang draw.
Nadaig niya sina Arthicha Kijkamjai ng Thailand (Round 1), Shivam Kawinvinit ng Thailand (Round 2), Qixuan Shan ng China (Round 3), International Master (IM) Prin Laohawirapap ng Thailand (Round 4), FIDE Master (FM) Nikolai Val Makarov ng Russia (Round 5) bago nakipag-draw kay FM Habla sa ika-anim at huling round.
Sina Habla, Adrian Othniel Yulo ng Pilipinas at FIDE Master (FM) Masahiro Baba ng Japan ay natapos ang torneo na may parehong 5.0 puntos; habang sina IM Prin, Ian Hong ng South Korea at Marc Kevin Labog ng Pilipinas ay may magkaparehong 4.5 puntos.
Maaalala na si Salvador ay nanalo sa Rooky Mini -Open 2025 Standard Open Chess Championship (FIDE rated) na ginanap noong Abril 4 hanggang 7, 2025 sa Forum Park Hotel sa Bangkok, Thailand.
“Masaya ako sa aking tagumpay," sabi ni Salvador, dating miyembro ng San Sebastian College-Recoletos noong kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa ilalim ng patnubay ni National Master (NM) Homer Cunanan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato