IN GOD WE TRUST
Pinoy GM Joey Antonio, lusot kay Aussie Soo, nanatili ang pag-asa sa Canberra chess til
Napanatili ni Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. ang pag-asa ng Pilipinas matapos makamit ang isang mahirap na panalo laban kay FIDE Master Kai Jie Soo ng Australia sa ika-limang round ng 2026 O2C Doeberl Cup Premier Division sa Southern Cross Club, Woden Canberra, Australia nitong Sabado, Abril 4, 2026.
SPORTS
4/4/20262 min read


Napanatili ni Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. ang pag-asa ng Pilipinas matapos makamit ang isang mahirap na panalo laban kay FIDE Master Kai Jie Soo ng Australia sa ika-limang round ng 2026 O2C Doeberl Cup Premier Division sa Southern Cross Club, Woden Canberra, Australia nitong Sabado, Abril 4, 2026.
Tinalo ni Antonio si Soo sa loob ng 37 na galaw sa Bishops Opening gamit ang mga piyesang puti.
"Sana ay mapanatili ko ang ganitong lakas," pahayag ng 64-anyos na si Antonio, na nanalo ng gintong medalya sa 2025 World Senior Blitz Chess Championship sa Gallipoli, Italy at nag-uwi ng pilak na medalya sa 2025 Thailand Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Matapos ang limang round, ang undefeated nasi Antonio ay may kabuuang tatlong panalo at dalawang tabla. Nauna nang tinalo ni Antonio si FIDE Master Michael Kethro ng Australia sa unang round at si William Rumley ng Australia sa ikatlong round.
Naghati siya ng puntos kay Candidate Master Justin Xia ng Australia sa ikalawang round at kay Candidate Master Ryan Lane sa ika-apat na round.
Matapos ang Doeberl Cup (Abril 2-6) sa Canberra, nakatakdang lumaban si Antonio sa Sydney International Open (Abril 8-12), na susundan ng Melbourne International Open (Abril 14-19).
Ang pakikilahok ni Antonio ay sinuportahan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na pinamumunuan ng chairman/presidente na si Cong. Prospero Pichay Jr.; ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pinamumunuan ni Alejandro Tengco; ng Games and Amusement Board (GAB) Chairman na si Atty. Francisco Rivera, ng Philippine Sports Commission (PSC) Chairman na si John Patrick Gregorio; ni Senator Bong Go; ni Speaker Faustino "Bojie" Dy III; ni Mandaluyong City Mayor Carmelita 'Menchie' Aguilar-Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Congw. Queenie Gonzales, Quezon City Mayor Joy Belmonte-Alimurung; Vice Mayor Gian Sotto; ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General na si Tereso Panga; at ni G. Alvin Chu Teng ng Cellboy.
Ang kampanya sa Australian chess circuit ay bahagi ng paghahanda ni Antonio, na 13 beses nang naging kampeon sa Philippine Open Chess, na nakatakdang kumatawan sa bansa sa FIDE World Senior Chess Championships sa Nobyembre 2-15 sa Vrnjacka Banja, Serbia. (DAS)
GM Joey Antonio ng Pilipinas
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
