Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
ANG beterano at United States chess master na si Florentino Inumerable ay nagwagi bilang kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships na ginanap kamakailan sa Holiday Inn Chicago North Shore sa Evanston, Illinois, USA.
SPORTS
Danny Simon
5/4/20251 min read


ANG beterano at United States chess master na si Florentino Inumerable ay nagwagi bilang kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships na ginanap kamakailan sa Holiday Inn Chicago North Shore sa Evanston, Illinois, USA.
Ang taga-Balayan, Batangas na si Inumerable ay natapos ang limang-round Swiss system competition na may 4.0 puntos mula sa tatlong panalo at dalawang tabla, pareho sa puntos ng kapwa Pilipino na si FIDE Master Camilo Pangan at Candidate Master Glen Gratz.
Matapos ang tie break points, si Inumerable ang nagkampeon, si Pangan ang pumangalawa, at si Gratz ang pumangatlo.
Ang nakabase sa Chicago, Illinois na si Inumerable ay tinalo si Bill Smythe sa unang round at si James Abbott sa ikalawang round. Nagtabla siya kay Gratz sa ikatlong round, tinalo si Steven J. Szpisjak sa ikaapat na round, at nagtabla kay Pangan sa ikalima at huling round.
Binabati ng dating Illinois State Senior Champion na si International Master Angelo Abundo Young ang kanyang dating kasamahan sa koponan na mga Pinoy (Inumerable at Pangan), na kumakatawan sa Chicago Midwest team noon.
"Si Flor (Florentino Inumerable) gaya ng tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan, ay isang peso champion at isa sa mga highlight ng kanyang karera ang pagtalo kay International Master Georgi Orlov sa isang klasikal na estilo," paggunita ni IM Young, head coach ng Emilio Aguinaldo College, Manila campus.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato