PINOY JINS TODO ENSAYO PARA SA PARIS OLYMPICS QUALIFYING

Habang pinanood ang winner-take-all finals na laro ng Cignal at Iloilo sa PNVF Champions League 2024 kasama ang kanyang asawa, umaasa si two-time Olympian at Southeast Asian Games gold medalist Stephen Fernandez na makapasa at makalaro ang apat na Pinoy kasama si Tokyo Olympian Kurt Bryan Barbosa sa Paris Olympics.

SPORTS

Clyde Mariano

2/19/20242 min read

Habang pinanood ang winner-take-all finals na laro ng Cignal at Iloilo sa PNVF Champions League 2024 kasama ang kanyang asawa, umaasa si two-time Olympian at Southeast Asian Games gold medalist Stephen Fernandez na makapasa at makalaro ang apat na Pinoy kasama si Tokyo Olympian Kurt Bryan Barbosa sa Paris Olympics.

Inamin ni Fernandez, apo ni dating Supreme Court Associate Justice at Senator Estanislao Fernandez, mahirap ang pagdaraan ng mga Pinoy sa kanilang quest for Olympic slots.

“Getting a trip ticket to Paris is like scaling the mountain because of the toughness of competition where the best and brightest taekwondo athletes around the globe compete,” pagaamin ni Fernandez.

Si Fernandez ang head sa grassroots development program ng Philippine Taekwondo Association pinamunuan ni dating DILG Secretary Rafael Alunan. a vrePinalitan ni Alunan, isa rin blackbelter, si long time president Robert Aventajado.

“Regular na nageensayo ang ating mga jins morning and afternoon para paghandaan ang qualifying na gagawin sa China.

Gagawin ang qualifying sa March 16-17 sa Taian, China matapos lumaban ang mga boxers sa qualifying sa Italy.

Kasama ni Barbosa si kapwa Southeast Asian Games gold medalist Arven Alcantara.

Hindi pa alam ang pangalan ng dalawang female athletes at kasalukuyan pinag-aarlan ang credentials at experience bago sabihin ang kanilang identity.

“The coaching staff and secretary general Rocky Samson thoroughly scrutinize the credentials and winning capabilities of the two female athletes. Baka first week ng March malalaman natin,” wika ni Fernandez.

“Ayaw kong mag speculate. Bahala na ang coaching staff mamili sa mga aspirants,” ani Fernandez, gold medalist sa 1987 Southeast Asian Games sa Indonesia at bronze medalist sa 1991 sa Manila at 1989 sa Malaysia.

Naglaro si Fernandez sa 1988 Seoul Olympics kasama si Monsour del Rosario and 1992 sa Barcelona nanalo si Roel Velasco tanso sa boxing.

Wala pang Pinoy na nanalo ng medalya mula nang gawin ang taekwondo bilang regular sport sa 1992 Barcelona Olympics matapos laruing demonstration sport sa 1988 Seoul Olympics nanalo si Arianne Cerdena kung saan wagi ng ginto sa bowling nilaro bilang demonstration sport.

Huling lumaban sa taekwondo sa Olympics si Bryan Barbosa sa Tokyo at nabigo ang taga -Abra na magtagumpay nanalo si Hidilyn Diaz ginto sa weightlifting, pilak sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at tanso si Felix Eumir Marcial.

Si Elaine Kirstie Alora ang huling Pinay lumaban sa taekwondo sa 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil nanalo si Hidilyn Diaz pilak. Nagretiro si Alora at sumama sa coaching staff.

Ang pagsali ng mga Pinoy sa qualifying ay ginastusan ng Philippine Sports Commission at MVP Sports Foundation at sinuportahan ng Philippine Olympic Committee.