IN GOD WE TRUST

Pinoy Youth Dreamers basketball sa TOPS ngayon

USAPING basketball ang sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

SPORTS

Enjel Manato

11/6/20241 min read

USAPING basketball ang sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate,Manila.

Tampok na panauhin ang mga opisyal at players ng Team Pilipinas na sumabak sa 1st Asia Pacific Youth Basketball Tournament Under-15 division kamakailan sa Taipei, Taiwan sa programa ganap na 10:30 ng umaga.

Pangungunahan ni coach Beaujing Acot ang mga panauhin kasama ang iba pang opisyal ng Philippine Youth Dreamers Organization sa linguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Inaanyayahan ni TOPS President Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro gayundin ang mga sports aficionado na makiisa sa talakayan na mapapanood via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page, Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile network apps na libreng mada-download sa inyong Android phone.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...