IN GOD WE TRUST

PLAYERS' MANAGER PAR EXCELLENCE DANNY ESPIRITU

HINDI siya player ‘di rin coach , pero pag narinig mo ang kanyang pangalan sa komunidad ng basketball sa bansa, he rings the bell at isang household name.

SPORTS

DANNY SIMON

7/12/20262 min read

HINDI siya player ‘di rin coach , pero pag narinig mo ang kanyang pangalan sa komunidad ng basketball sa bansa, he rings the bell at isang household name.

Aged to perfection.

Kumbaga sa wine habang nagkakaedad ay lalong nagiging swabe at ang espiritu nito ay 'sintaas ng tanghal sa kanyang pedestal.

Siya ang isa sa mga prominente at pinagpipitagang pigura di lang sa PBA kundi maging sa iba pang ligang komersyal at collegiate sa Pilipinas.

Siya si super manedyer Danny Espiritu, always in high spirits, hinubog ng panahon ,

approachable at mas pamoso sa basketball players dahil siya ang nagpanimula ng karera at umuukit ng kapalaran ng mga manlalaro na nasa kanyang timon mula sa pagiging bagito hanggang superstardom na estado sa lokal man o hanggang sa international.

Kapag ang isang upcoming cager ay napansin ni 'Bos Danny ang potensyal, parang pukol pa lang ng isang asintado sa tres ay ' ilista mo na!'..dahil nasa mabuting kamay na ni bos Danny ang karera sa basketball ng protege.

Ano ang pormula sa staying power ni super players' manager DannyE.?

Tiwala at respeto, hindi kontrata ang pinakamahalagang elemento para sa maayos at matiwasay na ugnayan ng players at agent/manager.

Mismong si Danny E, itinuturing na pinakamatagumpay na player agent/manager sa local professional basketball, ang nagbigay ng butil na aral para sa mga bagong sumisibol na players agent/ manager na tumatawid sa industriya.

“Hindi mo kailangang dominahin ang mga players, papirmahin sa kontrata dahil gusto mo. Kung ano ang nais ng player, yun ang ilapit mo sa mga team owners kung ayaw nila sa ipakita mo sa player , bigyan mo ng option,” sambit ng tinaguriang ‘Bos Danny’ sa pro league community.

Sa mahigit tatlong dekada sa industriya, umabot sa 100 plus ang natulungang players ni Espiritu na nakalaro sa PBA kabilang ang mga legends nang players tulad nina Ato Agustin, Art Dela Cruz, Paul Alvarez, Kenneth Duremdes, Mark Caguioa at Scottie Thompson.

“Since 1987, hindi ako nagpapapirma sa mga players. Tinutulungan ko sila, after that bahala sila kung kilalanin pa rin nila ako. Ayaw kong yung ugnayan namin ay dahil sa pera, turing ko sa kanila pamilya,” pahayag ni Espiritu sa panayam ng TONITE PF at Gilas .

Iginiit ni Espiritu na mas malaki ang epekto sa hanap-buhay ng agent/manager,” Kung sakaling unahin ang makukuha mong komisyon at gamitin ang kontrata para pilitin ang mga players na manatili sa yo. Kung ayaw ng player , hayaan mo siya na humanap ng iba,” sambit ni Espiritu.HIGH FIVE ageless super manager!

Lowcut: Bon Voyage sa ating Compadre Ed Sonza na pabalik na sa kanyang destinasyon sa Estados Unidos matapos ang kanyang hols isang buwan na staycation sa aming balwarte sa Comillas, La Paz, Tarlac. Madalas namang uuwi ang ang idol ng bayan bago mag- 2028. All the best pare.

Shoutout sa ating nak- budy - buddy na Joseph Ramos Dequina ( Distr.5 QC)bilang commentator ng isang film event tungkol sa martial arts- SUDUKAN MMA FIGHT NIGHT starring mga celecrity fighters sa imbitasyon ni Sudokwan founder Rene Catalan at secgen BrookeShields Imperial. Mabuhay ang SUDOKWAN!

Danny Espiritu

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...