IN GOD WE TRUST

PLUNDER AT BLUNDER

MASYADONG minamaliit ng kasalukuyang nasa poder ang talino ng mamamayang Pilipino sa pagnanasang manatili sa kapangyarihan ,mapagtakpan pinaka- dambuhalang eskandalo ng pandarambong sa kasaysayan ng bansa .

OPINION

DANNY SIMON

7/5/20262 min read

MASYADONG minamaliit ng kasalukuyang nasa poder ang talino ng mamamayang Pilipino sa pagnanasang manatili sa kapangyarihan ,mapagtakpan pinaka- dambuhalang eskandalo ng pandarambong sa kasaysayan ng bansa . Nais mapatahimik ang mga kritiko at gawin ang lahat ng maruming paraan huwag lang maging pangulo ang frontrunner sa surveys na si VP Sara Duterte.

Ang daming de- kampanilyang abogado sa bansa ,propesyunal, sekta,political analysts,maging mga edukadong pangkaraniwang tao ang iniismol mailusot lang ang mga isyung bumabalot sa mga nakaupo sa kapangyarihan.

Mantakin bang ang Isang donasyong pangkampanya para sa eleksyon ay ginawang kasong PLUNDER o pandarambong at ill-gotten ang donasyon mula pribadong individual na siyang ikinaso kay incumbent Senator Rodamte Marcoleta -pinaka-vocal at deretsahan na taga -imbestiga ng flood control scam sa bansa upang matukoy ang mastermind.

Ang daming politiko ang tumanggap ng financial na suporta mula mga business tycoons, lords,upang maisulong ang kanilang kandidatura,may kapalit man o wala.

Halos lahat nagmula sa pinakamataas hanggang pinakamababang politiko ay gumawa nito as long na aprub ng COMELEC eh bakit si Marcoleta lang ang kinasuhan habang okay lang sa nakakaraming nakikinabang ng donasyon pampulitika .

Merong ang kapalit ng tulong pinansyal ay posisyon sa pamahalaan ,mayroon ding kaloob na higanteng proyekto sa gobyerno habang si Marcoleta ay wala namang anumang pabor ang hinihingi sa kanya ng donors.

Isyu rin ang timing ng pagsampang kaso ng omBADsman na kilalang tuta ng Palasyo dahil sakto ito sa gaganaping paglilitis sa Senado kay VP Sarah na ang malinaw dito ay upang pahinain ang depensa dahil mababawasan sila ng mahusay na abogado sa katauhan ni Sen.Rodante. Diyan sila nag kakamali dahil kahit na pilayin ang kampo ni Marcoleta ay me mga natitirang mahusay na tagapagtanggol ng katotohanan .

May mga nakahanay pang taga l- minorya ang gustong kasuhan ng palalong omBADSman .

Ang daming dapat na kasuhan partikular sa HoR kung saan doon naglipana ang mga buwayang timawa nang maupo sa trono ang nambudol sa tao pero hanggang ngayon ay nakakalaya at sila pa ang nag papatalsik ng inimbentong paratang sa inosenteng bise.

May na- pranx nga ang omBADsman na dalawang Senador na kundi babaliktad ay kakasuhan upang ikulong ng walang piyansa kaya hayun ,ang hinog na kaso ay naging bubot at ligtas sa asunto ,napakarami nang binend na law ng mga alipores ng palasyo akala kasi nila ay ganoon ka -bopol ang pipol na mga taga- akademya ,sekta pati na ang militar na nagmamasid lang na mapuno ang salop.

Ang PLUNDER na ikinaso ng omBADsman sa hangaring papalakpakan siya ng kanyang amo sa Palasyo ang sa opinyon ng UPPERCUT ay isang BLUNDER na lalong mag papalubog sa kumunoy na kanilang kinasasadlakan dahil di nila kayang baluktutin ang galit ng bayan …ABANGAN !

Lowcut: Sabi ng aking cutman na si Marcoleta ay citizen Rodante na nang tanggapin ang donasyon dahil nakapag- file na siya ng candidacy na considered resign na sa kanyang posisyon.

At ang Senador na nakakulong ay makaboboto pa kung piyansado na before ng resolusyon dahil ang required na two- thirds vote ay sa araw ng acquittal o conviction ito kailangan at di sa araw ng pagdinig o paglilitis na absent sila. At paano rin kung ang minority ay magwalk- out? Me quorum nga sila ( 13) pero di kayang masbot ang conviction number na 16 o kahit bend nila ang batas na 14 eh di pa rin abot sa numero. MISMO!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...