Preparasyon para sa Sinag Lakas 40... 3H SEALIONS NILUBOG ANG SEABIRDS GYM

TUNAY na mas mabangis ang Sealions kontra Seabirds.

SPORTS

Danny Simon

9/9/20241 min read

TUNAY na mas mabangis ang Sealions kontra Seabirds.

Ipinamalas ng 3H Sealions ang killer instinct nito matapos ilubog ang dating matalik na katropa na naging arch rival na Seabirds Gym, 105-97 sa eliminasyon ng ligang MPBL (Malagasang Primero Basketball League) nitong weekend sa Imus, Cavite.

Palitan ng sagpang ang magkalaban na ayaw magkasapawan sa halos kabuuan ng laro kung saan sa huling tatlong minuto ng bakbakan ay dikit ang lskoran.

Diskarte sa crucial plays ang inilatag ng subok na bench tactician na si team owner/ coach Jemuel Laron upang tuluyang silain ang Seabirds sa endgame.

Ang joint efforts nina Sealions JR Rosales Reducto .Sir Lockey Dela Roca at best player of the gamebOliver Villareal ang tuluyang bumali ng pakpak ng Seabirds na binabanderahan ng dating players ni Laron na sina Aris Tuble, Andy Resonable at Jay Rojas.

"Determinado at mabangis ang ating mga Sealions.Dikdikan hanggang huli pero nanaig ang ating taktika bilang coach lalo sa endgame nag- 45⅚ deliver ang ating bataan laban sa mga dati nating katropa through thick and thin", wika ni Laron na isang Chief Marine Engineer by profesion."Ang ating paglahok dito sa MPBL ay preparation para sa Sinag Lakas40 sa darating na buwan ng Oktubre.

3H Sealions