PRESUMED INNOCENT AND SELF DEFENSE

Sa pagdinig ng Quad Committee ng Kongreso sa mga legal principles na ito ay pinagusapan at pinagdebatehan. Sabi ng ilang mambabatas - A PERSON is PRESUMED INNOCENT until proven guilty.

OPINION

Atty. Ariel Inton

11/14/20244 min read

Sa pagdinig ng Quad Committee ng Kongreso sa mga legal principles na ito ay pinagusapan at pinagdebatehan. Sabi ng ilang mambabatas - A PERSON is PRESUMED INNOCENT until proven guilty. Kaya may nagtanong sa akin na kung nakita na niya na ni- rape ang isang babae at sinabi niya sa taong yun na " rapist ka, saksi ako" e inosente pa siya ng lagay na yun?

Una wala po sa saligang batas ang sinasabi ng ilang Congressman na "a PERSON IS PRESUMED INNOCENT". Maski basahin pa natin ang provision sa Article III section section 14 (2)

In all criminal prosecutions, the ACCUSED shall be PRESUMED INNOCENT until the contrary is proved....

Sa bill of rights ng Saligang Batas ay mapapansin nyo na ang ginamit na salita ay PERSON sa ibang karapatang pang tao. Halimbawa:

No PERSON shall be deprived of life , liberty or property without due process of law.

So ang presumption of innocence ay karapatan ng isang AKUSADO. Dapat ay may kaso.

Kaya sa halimbawa natin sa rapist na hindi niya puede sabihin na inosente siya sa nakasaksi na ni' rape niya ang biktima. KAYA LANG YUN SAKSI AY WALANG KAPANGYARIHAN SA BATAS NA SIYA MISMO ANG HUHUSGA AT MAGPAPARUSA

Dito na papasok ang DUE PROCESS. Kailangan mahuli ang rapist at panagutin siya sa batas dahil sa krimen na kanyang ginawa.

Tanong? Bakit hindi ba puedeng patayin na lang yun rapist. Marahil kung anak mo yun at ikaw mismo ang saksi ay baka mapatay mo nga. Pero ikaw na ang makakasuhan.

Bakit ganoon ang batas? Masyado naman panig sa kriminal? Hindi po dahil may karapatan ang lahat ng tao( PERSON) ng DUE PROCESS. So pag kinasuhan yun rapist dito pa lang siya PRESUMED INNOCENT. Hanggat hindi pa siya akusado ang karapatan ng rapist ay mabigyan siya ng DUE PROCESS. Pero malinaw sa halimbawa na ginawa niya ang krimen at yun presumption of innocence ay dapat ma overcome ng ebidensiya para makamit ng biktima ang hustisya.

Agrabyado pa rin ang biktima? Well, kaya nga sa batas binalanse ang situasyon . Kapag ang krimen ay capital offense ang irerekomenda ng prosecutor ay NO BAIL .

Pero binibigyan pa rin ang akusado ng DUE PROCESS at maaring mag file ng petition for bail.

So ang punto ng mga mambabatas sa hearing nila sa extrajudicial killings ay DUE PROCESS sa mga kriminal.

Mahirap malunok ng biktima ang prinsipyong yan lalo na kung ang buhay ng mahal nila sa buhay ay pinutol ng kriminal without due process.

At yan ang tinitingnan ni dating presidente Digong Duterte. Si Duterte ay matagal naging prosecutor sa Davao bago naging mayor. Maaring nakita niya ang hirap ng proseso upang panagutin ang kriminal at bigyan ng hustisya ang biktima. Mabagal ang gulong ng hustisya ika nga. Marahil saksi siya na ilan sa mga kriminal ay napawalang sala dahil " the prosecution failed to prove BEYOND REASONABLE DOUBT the guilt of the accused. Take note, maaring na absuelto dahil kulang sa ebidensya at hindi dahil inosente ang akusado. Kaya noon naging mayor siya ng DAVAO ito marahil ang kanyang gustong ipaglaban. Hanggang sa naging presidente siya. Paano mabigyan ng hustisya ang biktima sa lalong madaling panahon. Or ano ang gagawin para hindi magkaroon ng krimen. Remember makulong man ang pumatay hindi na maibabalik ang buhay ng pinatay. At dahil sa ganyan pananaw ay maraming natuwa sa style niya at tinangkilik siya ng Davao hanggat maging presidente siya. Nakita niya na ang gusto ng tao MABILIS NA HUSTISYA PARA SA BIKTIMA. Pero bilang abogado alam niya na dapat may basehan sa batas ang gagawin niya. Alam niya simula pa lang na law student siya DAPAT MAY DUE PROCESS.

Parang mga korap na opisyal . Hahanapan ng lusot para makapagnakaw sa kaban ng bayan. Para kasuhan man ay lulusot dahil the guilt of the accused was not proven beyond reasonable doubt.

O balik kay Digong. As a prosecutor sigurado may mga kaso siyang nahawakan na ang depensa ng akusado ay SELF DEFENSE.

Sa QUAD Hearing ay maraming Congressmen ang naglecture ng what is self defense.

Tingnan natin ang batas:

May isang Congressman ang nagtanong kay Digong tungkol sa self defense

Para magkaroon ng self defense aniya:

1.May unlawful aggression

2.Reasonable Necessity of the Means Employed to PREVENT OR REPEL IT.

3.Lack of SUFFICIENT PROVOCATION on the part of the person defending himself.

Meroon din defense of person or rights ng mga kamag anak o stranger pero may dagdag na elemento

Sa kamag anak:

In case the provocation was given by the person attacked, THAT THE ONE MAKING DEFENSE HAD NO PART THEREIN.

At sa defense of strangers naman:

That the person defending be not induced by revenge , resentment or other evil motive.

Again , bilang abogado malamang alam ni Digong ito kaya sa kanyang war against drugs ito marahil ang pinaghuhugutan niya.

Bulgar lamang ang salitang ginagamit ni Digong. Pag sinabi niya he encourage the policemen na maglaban ang kriminal gusto niya pumasok ang kriminal aa elementong unlawful aggression. Basta hindi lang sufficient ang provocation ng pulis.

Halimbawa, yun sinasabi ni Digong encourage the criminal to fight- yan ba ay sufficient provocation?

So again ebidensiya kailangan. So kung nais ng mga Congressmen na panagutin si Digong sa mga napatay sa War on Drugs kailangan kasuhan.

Hindi naman Husgado ang Kongreso bakit puro sila imbestigasyon. Halata pulitika ang umiiral dito. Pero pag tinanong sila ang investigation ay in aid of legislation ibig sabihin may panukalang batas sila na pinagaaralan kayat kinuha nila si Digong na isang resource person. May nakuha ba silang opinyon ng dating prosecutor mayor presidente na makakatulong sa panukala nilang batas? May nakuha ba silang opinyon kila Sen. De lima, Sen Trillanes at iba pa na maaring magamit sa pagbalangkas ng batas? O ayos na sa kanila na napanuod sila ng tao at hayaan na ang public opinion humusga sa kanilang lahat?