PRISAA 2024: CENTRAL VISAYAS AT BICOL REGION DOMINADO ANG SRS AT JRS DIVISION

Legazpi City, Albay—Isang araw na lang ang natitira at kakaunti na ang natitirang events bago ibaba ang telon ng 2024 PRISAA National Athletics Championship at tipong makukuha na ng Region VII (Central Visayas) ang overall championship sa senior division at host Bicol Region ang korona sa youth category ayon sa pagkakasunod.

SPORTS

Clyde Mariano

7/26/20243 min read

Legazpi City, Albay—Isang araw na lang ang natitira at kakaunti na ang natitirang events bago ibaba ang telon ng 2024 PRISAA National Athletics Championship at tipong makukuha na ng Region VII (Central Visayas) ang overall championship sa senior division at host Bicol Region ang korona sa youth category ayon sa pagkakasunod.

Humakot ang Central Visayas na pinalakas ng mga atleta sa Cebu at Cebu City, 66-33-34 (133) medals at ang host region ay pinalakas ng mga atleta sa Albay, Legazpi City, Naga City at Camarines Sur dumistansiya na sa secondary division 52-39-38 (129), malayong pumangalawa Western Visayas 38-42-30 (110), Region IV-A 33-21-30 (94), Central Luzon 25-16-30-30 (71), Region VII 11-20-6 (37).

Dinagdagan ni Art Joy Torregosa ang Central Visayas ng isa pang ginto sa 10,000m run senior women nang dumating sa finish line sa oras na 30 minutes at 26.9 seconds para somosyo sa podium si Jay Ramos ng Calabarzon na nanalo sa 5000m walk sa oras na 27 minutes at 05.8 seconds sa senior men category.

Tinalo ni Torregosa ang kanyang mga kalaban sa patibayan ng resistensiya kasama si silver medalist Leedy Erika Villamonte ng Region 12 na naorasan ng 45:26.2 at si bronze medalist na kababayan ni Villamonte na si Ara Tang sa oras 46:03.0 seconds.

Pumangalawa sa Central Visayas ang Cordillera Administrative Region (CAR) 33-23-31 (127), Region 6 (Western Visayas 24-33-19 (65), Region 12: 23-45-26), Region IV-A 20-22-19 (64). Pang siyam ang host region 6-15-27 (48).

Hindi na-apektuhan ang Central Visayas sa kabila humiwalay sa kanila ang Negros Oriental, Dumaguete City at Siquijor at Negros Occidental na humiwalay sa Western Visayas sa bagong tatag na Negros Island Region.

Nasapawan and hindi magandang performance sa senior nang kanilang junior counterparts kumobra ng

52-39-38 (129), malayong pumangalawa ang Western Visayas 38-42-30 (74), Central Luzon 25-16-30 (71) at Central Visayas 11-20-6 (37).

Nanalo ang Central Visayas apat na ginto, tatlong pilak at dalawa tanso sa taekwondo upang tuluyang lumayo sa medal race sa senior division.

Ang mga gold medalists ng Central Visayas ay sina Vince Philip Grepo, Ma. Martha de la Victoria, Jecelle Fatima Monsanto, at Angeline Clem Daclan at ang talong pilak ay galing kina Christine Masapequana, Laiza Faye Amano, at James Errol Deligero.

Nanalo rin ang mga atleta ni coach at SEA Games discuss record holder Arniel Ferrera ng University of Baguio na nanalo ng dalawang ginto, apat na pilak at isang tanso sa athletics.

Sinungkit ni Jazmin Butag ang ginto sa shotput at pilak sa discuss women dinuplika ang ginawa ni Nimrod Malicdan nanalo sa discuss at pilak sa shotput men. Nakuha ni Denver Tacay ang pilak sa discuss throw at si Jasmine Ledina nakuha ang pilak sa javelin at tanso sa discuss women.

Dinagdagan ni John Michael Falcon ang host region ngb tatlo pang ginto at nag-ambag si John Dave Dave Dualan .ng tatlong tanso sa 68kg. men weightlifting at tatlong pilak sa taekwondo galing kay Jerome Sabido, Clarence Jotham Gancero, at Carl Nico Castel.

Nanalo si Falcon ng tatlong ginto sa snatch at clean at jerk at si Dualan ay may tatlong tanso at pinakita ng mga Bicolanos ang kanilang kakayanan sa weightlifting na matagal na dinomina ng mga lifters mula sa Zamboanga kung saan tinawag ang lugar “Weightlifting Capital of the Philippines” ang lugar na kapanganakan ni Tokyo Olympic gold medalist at World Weightlifting queen Hidilyn Diaz, Olympians Gregorio at Nestor Colonia at SEA Games multi-titled Jaime Sebastian.

Dalawang araw ang nalalabi sa weeklong competition ay wala pa rin national record naitala sa athletics di tulad sa mga nagdaan editions kong saan may mga naburang national records at ang dahilan ay ang walang tigil na ulan dala ng bagyong si Karina.

“These are future stars of tomorrow someday they will play for the country in various international sports competitions,” wika PRISAA National Executive Director Prof. Elbert “Bong” Atilano.

Ang PRISAA na inorganisa noong 1953 ay breeding ground of national athletes tulad ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz at Olympians Nestor Colonia, Kristel Macrohon, Rosalinda Faustino, Erleen Ann Ando at Vanessa Sarno. Karamihan sa mga national athletes ay galing sa PRISAA.

Sina Ando at Sarno ay SEA Games at Asian Weightlifting medalists ay kasama sa 22 athletes delegation sa Paris Olympics.