PRISAA 2024: GOLD PA MORE KAY BICOLANA GAOR

Matagumpay na naipagtanggol ng anak ng magsasaka mula Naga City na si Ara Joy Gaor ang kanyang korona sa 2000 meters walk women youth na napanalunan niya sa Zamboanga nitong nakaraan taon para bigyan ang host Bicol Region ng pangalawang ginto matapos manalo si Julius Glen Vazquez sa 200m butterfly habang nanalasa ang mga manlalangoy ng Calabarzon at angat ang mga lifters ng Region 12 sa weightlifting sa Day 3 ng PRISAA National Athletics Meet dito sa Bicol University Sports Complex.

SPORTS

Clyde Mariano

7/25/20243 min read

Matagumpay na naipagtanggol ng anak ng magsasaka mula Naga City na si Ara Joy Gaor ang kanyang korona sa 2000 meters walk women youth na napanalunan niya sa Zamboanga nitong nakaraan taon para bigyan ang host Bicol Region ng pangalawang ginto matapos manalo si Julius Glen Vazquez sa 200m butterfly habang nanalasa ang mga manlalangoy ng Calabarzon at angat ang mga lifters ng Region 12 sa weightlifting sa Day 3 ng PRISAA National Athletics Meet dito sa Bicol University Sports Complex.

Tumakbo sa gabay ni coach at dati ring atletang si Rose Bok, tinalo ng 17 anyos na si Gaor ang kanyang mga kalaban sa labing anim na regions sa patatagan nang resistensiya na naorasan ng 12 minutes at 46.3 seconds, una sa kanyang kababayan si Sabrina Mendoza na inangkin ang pilak sa oras na 13 minutes at 18 seconds na naging 1-2 finished ng host region habang kinuha naman ni Alessandra Dennise ng Region 10 ang tanso (14:22.07).

Dinuplika ni Gaor ang golden medal performance ni Yasharhir Daligdig ng Region X1 sa women’s division 29 minutes at 2.9 seconds, una kay silver medalist Filicity Lorenzo ng Cordillera Administrative Region na may 29:10.1 at bronze medalist Jean Krisel Buizon ng Ilocos Region (29:45.5).

Nabigo si Gaor na higitan ang kanyang personal best na 12 minutes at 38 seconds na itinala noong 2023 edition sa Zamboanga kung saan pang-siyam ang Bicol mula overall champion Western Visayas.

“Isang taon ako naghanda dito dahil gusto kong manalo at ayaw kong mapahiya sa mga kababayan umaasa sa aking tagumpay. Masaya ako nagawa ko at nabigyan ko muli karangalan ang region ko,” sabi ni Gaor bunso sa limang magkakapatid at grade 12 sa Naga College Foundation.

Dinomina ni Gaor ang kanyang paboritong event mula umpisa hanggang sa matapos at iposte ang impresibong panalo.

Nanalo din ang host region ng isa pang tanso sa weightlifting kortesiya ni John Benedict Jacob.

Pansamantalang nangunguna ang Region 7 (Central Visayas) sa medal race sa senior division 30-15-15, sumunod Cordillera Administrative Region (CAR) 23-15-16, Region 12-15-28-8, Region 6 (Western Visayas) 13-11-17, Region IV-A 8-6-8, at host Bicol Region 5-7-8.

Nangununa ang host region sa youth division 29-19-16, sumunod Region IV-A 20-2-10, at Western Visayas 16-16-15.

Pansamantala ring nanguna ang Calabarzon kilala sa pangalan Region IV-A sa medal race sa swimming humahot 15 golds, anim na silvers at anim na bronzes, sumunod ang Region 7 (Central Visayas) 6-13-4, at Western Visayas 6-6-9.

Humakot ang mga swimmers ng Calabarzon 8-4-3 sa men at 7-2-3 sa women at nanalo sina Cyrus Peter Dean at Mikaela Angela Talosig tig tatlong ginto.

Sariwa sa kanyang tagumpay sa Palarong Pambansa, nanalo si Dean at Talosig tig tatlong ginto at tanghalin most bemedalled swimmer sa tatlong araw na swimming competition pinamahalaan ni dating national swimmer Richard Luna.

Nagtagumpay si Talosig sa 200m freestyle, 800m freestyle at 200m backstroke at si Dean nanalo sa 200m backstroke, 400 meters individual medley relay at 4x50m relay.

Nahirapan ang mga PRISAA officials at race officials sa iba’t-ibang sports gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pag- transmit sa mga results dahil sa mahabang oras na brownout umabot isang araw hanggang ngayon sinusulat ang balitang ito wala pa rin ilaw sa sports complex sa lungkot ni PRISAA chairman at dating Philippine Sports Commission Commissioner Fr. Vic Uy at National Executive Director Prof. Elbert “Bong” Atilano sa nangyari kong kailan nilalaro ang weeklong sports competition na unang ginawa sa Legazpi City.

"The long brownouts aggravate and prolong the agony and misery of PRISAA people and working media national and local covering the weeklong sports competition. It’s quite unfortunate, irritating, and disgusting it happened at the time Legazpi City is hosting for the first time PRISAA, the biggest aggrupation of more than 400 colleges and universities all over the country," litanya ni Uy.

Binigyan naman nina Sherwin Lunatao, Arandel Loquinte, Monic Grace Gulac at Glenna Julienne Millanar pitong ginto ang Region 12 sa weightlifting at panatiliin ang dominance ng mga lifters ng Region 12.

Sa football, nanalo ang Region 12 sa CAR, 2-1; Western Mindanao tinalo ang Northern Mindanao, 1-0, at nagwagi ang Region 9 sa Western Visayas, 2-1, sa sepak takraw.

Namayani ang mga mananayaw sa SOCSSSARGEN tatlong ginto sa dancesports.

Ara Joy Gaor