PRISAA '24: BAGYO SI BONGCAYAT, BICOL'S BEST SI VASQUEZ
Legazpi City, Albay—Inangkin ni John Robs Bongcayat ng Region X1 (Davao Region) ang pangalawang ginto sa 3,000m steeplechase boys at binigyan ni Julius Glen Vasquez unang ginto sa swimming ang host Bicol Region at nag-ambag ng pilak sina Andrew Clark Samar at Anthony Adornado, dalawa pang pilak at sina Rommel Romero at John Michael Hapita ,tig -isang tanso sa Day 2 ng PRISAA National Athletics kasabay sa pagbuhos ng ulan dito sa Bicol University Sports Complex.
SPORTS
Clyde Mariano
7/24/20243 min read


Legazpi City, Albay—Inangkin ni John Robs Bongcayat ng Region X1 (Davao Region) ang pangalawang ginto sa 3,000m steeplechase boys at binigyan ni Julius Glen Vasquez unang ginto sa swimming ang host Bicol Region at nag-ambag ng pilak sina Andrew Clark Samar at Anthony Adornado, dalawa pang pilak at sina Rommel Romero at John Michael Hapita ,tig -isang tanso sa Day 2 ng PRISAA National Athletics kasabay sa pagbuhos ng ulan dito sa Bicol University Sports Complex.
Ganado sa panalo sa 5,000m at somosyo sa kanyang senior counterpart winner taga Cebu si Mark Mahinay, tinakbo ni Bongcayat ang seven round plus 200 meters 3,000m steeplechase sa oras na 10 minutes, 29.8 seconds at ilista ang kanyang pagiging unang double gold athlete sa mahigit 10,000 atleta na kalahok sa taunang private schools competition na unang ginawa sa Legazpi- home of majestic Mayon Volcano.
Sinira ni Vasquez ang dominance ng Calabarzon sa swimming matapos siyang manalo sa 200m butterfly seniors men na naorasan ng 2 minutes at 27.57 seconds, tinalo nito si Andrei Louis Valencia ng Region 7 (Central Visayas) habang inangkin ang pilak 2:27.76 at nakuha ni Jin Andrei Batungbakal ng Central Luzon ang tanso 2:33.14.
Sinukbit ng Bicolanong si Samar ang pilak nang naorasan ng 10:31.1 at ang kanyang kababayang si Rommel Romero na inangkin ang tanso matapos dumating sa finish line 11:06.4 seconds at si Anthony Adornado na nasungkit ang pilak sa taekwondo, napanalunan ni Del Diana ng Regon IX at si Hapita ay kinuha ang tanso sa long jump men habang dinomina ni Kent Brian Celeste ng Region 1 (Ilocos Regon).
Tumalon si Celeste ng 6.90 meters at tinalo si Charlie Ferrer ng Cordillera Administrative Region (CAR) na may 6.48 meters at Hapita (6.45 meters).
Dinaig ni Diana si Adornado sa finals at nakuntento ang kamaganak ni Olympian at PBA legend Willam Adornado sa pilak nagtala 7,867 at napunta ang tanso kay Andrew Cinco ng Region 10 7.560 points.
Dinuplika nina Samar at Adornado ang silver medal finish ng kanilang kababayan na si Jay Roben Ranaque sa 5,000m at ngayon lang nangyari ang tatlong Bicolano athletes na nanalo ng pilak at dalawang tanso sa unang dalawang araw ng 5-day athletics competition at isang magandang senyales at indication na determinado ang host Bicol Region na higitan ang ninth place overall nakaraang taon sa Zamboanga ns napanalunan ng Western Visayas na humakot 177 medals-96-36-45.
Nagwagi rin si Justin Altolegos ng Central Luzon sa shot put nang hinagis ang 6 kilos na bolang bakal sa layo 12.91 meters. Hinigitan ng 17 year-old na taga Magalang, Pampanga ang kanyang personal best 12.20 meters na ginawa sa Central Luzon Athletic meet.
Humina ang Western Visayas, kilala rin sa tawag Panay Region at Central Visayas powered by Cebu sa pagkahiwalay sa powerhouse Negros Occidental at Bacolod, Oriental Negros, Dumaguete at Siquijor sa pagkatatag sa bagong region Negros Island Region binubuo ng Negros Occidental, Bacolod, Oriental Negros, Dumaguete City, at Siquijor.
Ang Negros Occidental dating kasapi sa Western Visayas at ang Negros Oriental at Siquijor dating kasama sa Central Visayas.
“Hindi ko inaasahan manalo dahil hindi ko kilala ang aking mga kalaban. Pinaghandaan ko ito nang husto at masaya ako sa nagawa ko,” sabi ni Bongcayat.
Nanalo ang Calabarzon ng 14 golds sa swimming sa pangunguna ni Peter Cyrus Dean nanalo tatlong ginto sa 100m backstroke, 400m individual medley at 4x50m medley relay at sina Eric Umali, Lleyton Rara at Mikos Trinidad tig -dalawang ginto.
Nagtagumpay si Dean sa 100m backstroke (1:01.88), 400m individual medley relay (5:01.59) at 200m medley relay kasama sina Eric Jacob Umali, Mikos Trinidad at Lleyton Rara (1:52.14).
Wagi rin sina Alarie Somuelo, Eric Jacob Umali, Danielle Ann Gregorio, Gilbert Rodevic Gonzalvo, Franchesca Alterado, Marie Gabriel Sapinit, Reinelle Jan Mikko Trinidad, at Shaina Alcala.
Panalo si Somuelo sa 200m freestyle (2:22.51), Umali 100m breaststroke (1:10.21), Gregorio 100m breaststroke (1:19.95), Alterado (200m butterfly (2:37.66), Sapinit 400m individual medley (5:42.82), Trinidad 50m freestyle (24.44), at Alcala 50m freestyle (28.66).
Nanalo rin si Gonzalvo sa 4x100m freestyle relay400m relay kasama sina Cyril Christian Pasco, Lee Renand Receno at Ryan Amiel Lotino (4:01.37), nagtagumpay si Somuelo sa 400m freestyle relay kasama sina Mikaela Trinidad, Shaina Alcala at Franchesca Musni (4:26.70) .
John Robs Bongcayat


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato