PSBL NCR QUALIFIERS LUMARGA NA!
PATOK ang mga bakbakan sa Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) Ñational Capital Region (NCR) Qualifiers noong nakaraang weekend sa Novadec Gym sa Novalichez , Quezon City.
SPORTS
DAS
8/24/20241 min read


PATOK ang mga bakbakan sa Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) Ñational Capital Region (NCR) Qualifiers noong nakaraang weekend sa Novadec Gym sa Novalichez, Quezon City.
Mismong sina PSBL top brass Christian Ensomo at Nato Agbayani ang personal na sumaksi sa mataas na antas ng kumpetisyon sa basketball grassroots program hatid ng PSBL sa timon ni Commissioner Rodney Santos.






"PSBL is goin' nationwide, brace for basketball at its best in the countryside", sambit nina founder COO Ensomo at co-founder Agbayani.
Sa tampok na bakbakan sa NCR Qualifiers 17-u, dinaig ng HCA Lucky Son ang Meycauayan Jewels 62-49 upang mag- qualify sa susunod ng round ng PSBL NCR.
Noong Hulyo 27, 2024 ay ang grand opening ng celebrity at star-studded PSBL sa Araneta Coliseum at ito ay sinundan ng PSBL Davao habang nakatakda na ring rumatsada ang PSBL Region 2.(DAS)




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato