PSBL NGAYON AALINGAWNGAW SA DAVAO
MATAPOS ang matagumpay na pagbubukas ng Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) sa Araneta Coliseum sa NCR kamakailan, aalingawngaw naman ngayon ang Mindanao sa magarbong pagsambulat ng PSBL sa Davao.
SPORTS
Danny Simon
8/10/20241 min read


MATAPOS ang matagumpay na pagbubukas ng Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) sa Araneta Coliseum sa NCR kamakailan, aalingawngaw naman ngayon ang Mindanao sa magarbong pagsambulat ng PSBL sa Davao.
Matapos ang parada ng mga koponan ngayong tanghali sa Almendras Gym sa Davao City Recreation Center, raratsada naman ang mga qualifying games ng PSBL na isang tunay na grassroot basketball development para sa mga kabataang 21-U,18-U,15-U , 11-U at 9-U.
" Ang Davaoeños ay kilalang basketball -loving people sa Kamindanaoan.
Kaya ngayon pa lang ay naaamoy na natin ang tagumpay na ating PSBL sa gabay na ating mahuhusay at ekspertong basketball leaders sa rehiyon. Go Davao Go!", pahayag ni PSBL founder/ COO Christian Ensomo ng Golds Gym na sinegundahan naman ni co-founder Nato Agbayani.
Kasunod ng PSBL Mindanao ay lalarga na rin ang prestihiyosong liga sa Kabisayaan at Luzon -wide program sa kooperasyon ng Local Government Units (LGU's) at pribadong corporate na magtataguyod sa naturang sport for a cause para sa bayang basketbolista.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato