PSBL, PSVL AT PSFL SA PAYONG NG PERLAS PILIPINAS

MATAPOS ang matagumpay na grassroot basketball season ng Perlas ng Silangan Basketball League( PSBL) sa buwenamanong edisyon nito ay pinalawig pa ang liga mula basketball,volleyball at football na isa ring nationwide program.

SPORTS

ni Danny Simon

8/7/20251 min read

MATAPOS ang matagumpay na grassroot basketball season ng Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) sa buwenamanong edisyon nito ay pinalawig pa ang liga mula basketball,volleyball at football na isa ring nationwide program.

Ayon kay PSBL CEO Christian Ensomo,inaasahan niyang maduduplika ang matagumpay na expansion ng liga sa sikat na larong basketball kung saan ay dinaragsa ang PSBL saan mang dako ng bansa para magpakitang-gilas sa Pilipinas. "Marami ang kabataang may potensyal na kailangan lang madiskubre para matupad ang kanilang mga pangarap. Di lamang sa larangan ng basketball kundi maging sa mga tanyag na ring larong volleyball at football. "Sa ating pagsisikap at suporta ng mga sports enthusiasts at patrons ay magtatagumpay muli ang ating adhikain sa sports development",wika ni Ensomo.

Kasado na ang lahat ng sistema upang mailunsad ang kambal na ligang PSVL at PSFL.

Optimistiko si Ensomo na aagapay ang mga local government units( LGU) at NGO's sa programang pampalakasan na ang makikinabang ay ang kanilang mga konstituwenteng kabataan mula bayanan hanggang kalunsuran partikular ang Kamaynilaan kung saan ay doon na ang gateway ng tagumpay na pinapangarap ng bawa't manlalaro.