IN GOD WE TRUST

PSC TAEKWONDO CENTER ATBP., TATAK PATO!

Totoo sa kanyang mga pahayag nang bago pa lang maging pinuno si Chairman Patrick ‘Pato Gregorio ng Philippine Sports Commission, bawat linggo ngang dumaraan ay nagkikita ang pamunuan ng PSC at miyembro ng sports tri -media upang maglunsad o magpasinaya ng proyektong may kinalaman sa sports partikular ang pagsulong ng pambansang sports at estado nito sa bansa sa timon ng isang mahusay at masipag na chairman ng ahensiya .

SPORTS

DANNY SIMON

3/5/20261 min read

Totoo sa kanyang mga pahayag nang bago pa lang maging pinuno si Chairman Patrick ‘Pato Gregorio ng Philippine Sports Commission, bawat linggo ngang dumaraan ay nagkikita ang pamunuan ng PSC at miyembro ng sports tri -media upang maglunsad o magpasinaya ng proyektong may kinalaman sa sports partikular ang pagsulong ng pambansang sports at estado nito sa bansa sa timon ng isang mahusay at masipag na chairman ng ahensiya.

Huwebes ng umaga ay pinangunahan ni Chairman Gregorio ang bagong silang na PhilippineTaekwondo Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex na tunay nang magiging lunduyan ng taekwondo enthusiasts partikular ng elite athletes nito.

Sa lawak na ng programa ng taekwodo - ang sport na nakapagbibigay ng karangalan sa bansa at itinuturing na susunod na makapaghahandog ng Olympic gold medal sa Pilipinas ay marapat lang na may modernong bahay na hubugan ng karangalan sa international competitions kung kaya abangan ang pag- usbong ng modernong taekwondo na simbolikong inilunsad sa groundbreaking ceremony sa presensiya ng mga opisyal ng nsa sa taekwondo at pamunuan ng PSC.

Ang bagong silang na taekwondo center at iba pang nauna ay tunay namang TATAK PATO!..MISMO!!

Sa pangunguna ni PSC chairman Patrick Gregorio at opisyales ng Philippine Taekwondo Association ay simbolikong inilunsad sa groundbreaking ceremony ang pagtatayo ng modernong Philippine Taekwondo Center sa RMSC, Malate, Manila. (Menchie Salazar)